Chapter 2

4 1 0
                                    






Tahimik naming tinatahak ang kahabaan ng kalsadang magdadala sa amin sa hacienda. At sa bawat minutong lumilipas, mas lalo akong kinakabahan. Kasama namin si Mommy na siyang maghahatid sa amin sa lugar na iyon.


"You know, I don't have any idea about Hacienda Sapiro. But seeing your distorted face, I got a hint," bulong sa akin ni Amber.


Sumulyap siya kay Mommy na nagmamaneho saka muling bumaling sa akin.
"Is that really bad?" mahinang tanong niya.



I scorned.
"The only word that can describe that place is," I smiled at her evilly then continued, "hell."


Nakita kong napalunok siya bigla. Well, what can I do? That's the real thing about that place.



Hindi na siya ulit nagsalita. Itinuon ko naman ang atensyon ko sa malaking gate na nasa harapan namin. Automatic na nagbukas ang gate at muling pinaandar ni Mommy ang kotse. Hininto niya iyon at nauna na silang lumabas. I took a deep breath bago sumunod sa kanila. I looked around. Nothing has changed. Except in the old man standing at the portico of the mansion. Puti na ang ilan sa mga buhok niya at may hawak siyang tungkod. Pero hindi pa din nawawala ang dark aura na kakabit na yata ng pagkatao niya.



"Papa," tawag ni Mommy sa matandang nasa harap namin. Pero hindi siya pinansin nito. Sa halip, itinuon nito ang tingin sa akin.



"Mabuti naman at nagkaroon ka ng oras para bisitahin ako," wika niya sa sarkastikong tinig.



Ngumisi ako.
"Hindi pagbisita ang tawag dito. Its more like pagpapatapon," tugon ko na binigyang-diin ang salitang pagpapatapon.



"Blue!" sabay na sigaw nina Mommy at Amber. They're not after my name. They're scolding me. Pero hindi ko sila pinansin. Masyado akong abala sa pakikipagtitigan sa matandang nasa harapan ko.



"You know what? You must be thankful to Mom. She's the one who made this pathetic comeback of the fugitive princess who runaway from this dark castle ruled by a monster like you," I hissed at him.



He gritted his teeth.
"Hindi ko akalain na nagawang mong bumuhay ng isang halimaw sa katawan ng anak mo, Sabrina. Hindi ganyan ang gustong mangyari ng yumao mong asawa," wika niya kay Mommy habang sa akin pa rin nakatingin. Napatungo naman si Mommy sa narinig.



I silently cursed. Napakawalang puso niya. Nagawa pa niyang idamay ang isang taong matagal ng wala. Such an evil.



"That's not the right way of talking to the old man like me. Don't show me your bitchy side, little brat. Your in my territory so you better show some respect kung ayaw mong paluhurin kita sa isang bilaong monggo!" sigaw niya na umalingawngaw sa buong mansion.



I heard them gasped. Napalunok ako. Iyon ang isa sa ayaw ko nang balikan pa sa lugar na ito. Ang parusahan dahil sa mga simpleng pagkakamali ko bilang isang wala pang muwang na bata. Thinking about that is a great torture for me.



"Papa wag naman..," pigil sa kanya ni Mommy.



"Mommy hindi mo kailangang magmakaawa sa taong iyan. He's the type of person who don't know how to give mercy simply because he's a monster," wika ko kay Mommy na ngayon ay nakatingin sa akin na para bang hinihiling na manahimik na lang ako. I ignored her. Hindi ako ang tipong nagpapatalo lalo na kung alam kong nasa katwiran ako.



Sinalubong ko ang nakakatakot niyang mga tingin. Kinakabahan na ako. Alam ko iyon dahil kanina pang nanginginig ang mga tuhod ko. Pero hindi ako maaaring magpakita ng kahit katiting na takot. Ayokong tumatak sa isip niyang mahina ako dahil hindi ako ganoon.



Crazy Stupid FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon