Minsan Kailangan pa bang masaktan,
hindi mo maiwasang magtanong, hindi maiwasang magdamdam,
ang tagal ng mga panahon na ating pinagsamahan,
sa bandang huli ganito rin pala ang kakahantungan,
oo mahal mo ako, yan ang sabi mo,
bawat salitang binibitawan mo, pinanghahawakan ko,
masakit isipin na maraming panahon din ang nasayang ko,
dahil hanggang ngayon umaasa ako sa pagmamahal mo,
ilang buwan, ilang araw, ilang oras, ilang minuto, ilang segundo,
bawat buwan na dumaan lalo kitang minamahal, totoo,
bawat araw na lumilipas, lalong lumalalim ang pagmamahal ko,
bawat oras, minuto at segundo, lahat, nasayang lang ba sayo.
ayokong magsalita ng tapos dahil ayaw kong mawala ka,
maraming dahilan na ang dumating sa buhay ko para iwan ka,
natatakot ako na baka dumating ang isang umaga,
na masabi ko sa sarili kong "hindi ko na talaga kaya."
Ikaw, ikaw at tanging ikaw lang,
masaya akong malaman na lagi kang nandyan,
hindi ko na iniisip distansya at ating pagitan,
sa bawat araw na lumipas, pag-ibig mo ang aking inaasahan.
ngayong mga oras na ito, habang ako'y nagsusulat,
gusto ko itanong sayo ang mga bagay na ayaw kong isumbat,
nasasaktan na ako, nahihirapan, masyado ng malalim ang sugat,
kaya ko kayang iwananan, kalimutan at talikuran ang lahat?
may nangyaring pareho nating hindi inaasahan,
oo may mali ako, pero mayron ka ring kasalanan,
hindi lang tayo nagkaintindihan yan lang ang tanging dahilan,
pero napakalalim na sugat ang sa akin iyong iniwan,
mahal na mahal kita, ayaw kong mawala ka,
handa akong magpakatanga khit sa mata ng iba,
oo, naisip mo na yung pwedeng sabihin sakin ng iba,
peo sana ikaw ang unang umunawa, ikaw dapat ang mag-umpisa,
bagong yugto ng kwento natin, hindi na ba masisimulan,
hindi na ba madudugtungan ang matamis na pinagsamahan,
kaya mo ba akong talikuran ngayong labis kitang kailangan?
o aasa pa rin ba ako sa pangako mong hindi mo pa rin nadedesisiyunan..
sa mga segundo, minuto, oras, araw, linggo, at mga buwan pang dadaan,
sana malaman mong hinding hindi kita bibitawan,
nagdesisyon ako, lahat yan aking panghahawakan,
dahil mas mauuna kang umalis pero hindi ako lilisan,
nasasaktan na ako, pero alam kong kaya ko pa,
habang nandyan ka lagi lang akong aasa,
sa pangako at desisyon mo habang wala pa,
ikaw pa rin lagi ang laman ng puso ko, wala ng iba..
"pakinggan mo yung kanta natin, malalaman mong kahit anong mangyari, sayo parin ako babalik kahit na nasasaktan ako, kahit na nahihirapan ako..ganyan kita kamahal.."
"I'll take one step away, but I found myself coming back to you, my one and only you.."