Dedicated to Humss 1- ARA
Nandito ako ngayon sa Deans office para mag report sa kung anong nakita ko and yes I am not afraid to state it.
Napag alaman naming Kyla ang pangalan nung batang nakita ko kanina, sa ngayon maayos naman na sya, nasa clinic sya at mahimbing na natutulog sabi ni nurse Andrea kailangan lang mag pahinga ng bata kayat hinayaan nalang muna namin syang mag pahinga bago namin sya tanungin kung saan sya naka tira at kung papaano sya naka pasok sa compound ng school gayong masyadong mahigpit ang nag babantay na mga guards dito.
As of now we don't have a choice kundi hintaying magising si Kyla...
Hindi pa rin naman ako maka pasok na klase ko ngayon dahil kakailanganin pa daw nila ako for some questions, haist di ko talaga lubos maisip kung bakit nagawa yun ni sir Apollo, at kung bakit ganun nalang sya maka takbo palayo at may nalalaman pa syang "The game is about to begin" huh? Ano daw Yun??
I have decided na kumain muna sa cafeteria gayong akoy nagugutom na, kumuha lang ako ng konting pag kain at humanap na ng pwesto, naupo ako sa pangalawang row, sa kalagitnaan ng pag kain ay tumunog ang cellphone ko, I received a message from unknown sender
Unregistered number: Are you ready?
Huh? Ano daw? At sino naman tong taong to? Lakas man trip ah, ready for what.? I ignore the text and I continue to eat.
'Kailangan mong mag salita! Inis na sambit ko sa bata' "stop it Ms. Vasquez, you're not helping" sumbat sakin ni nurse Andrea.
'Sorry po, pero paano natin sya matutulungan kung ganyan sya? She needs to speak, para din sa kanya ito, para maiuwi natin sya sa magulang nya%
"Yes I get your point, pero baka masyado pa syang natatakot "
'Natatakot?' Tanong ko. Nag flashback naman sakin ang mukha ni Sir Apollo at yung mga katagang binitiwan nya bago sya tumakbo palayo.Until now, hindi ko parin maalis sa isip ko yun. Masyado ng maraming nangyari sa araw na ito. Masyado ng napapagod ang utak ko kaiisip sa mga problemang hindi ko alam kung deserve ko bang pag tapunan ng pansin.
"You can go home now Ms. Vasquez" saad ni Nurse Andrea na tila nabasa ang iniisip ko kanina.
Po? Pero-- "Go ako nang bahalang mag sabi kay Dean at mga subject teachers na papasukan mo today."
Sige po, ang tanging sagot ko sa kanya.
Dumaan muna ako sa room para kunin ang gamit ko. Hindi na ako nagulat nang wala akong naabutan maski isang kaklase. Malamang ay nasa computer lab na sila ngayon.
Walang ganang lumabas ako ng silid, at nag lakad palabas. Hindi na ako dumaan sa locker para kunin ang uniform ko. Uuwi na ako nang naka ganito."Hi Isah" bati sakin ni kuya Guard. 'Am Hello po' walang ganang bati ko dito. Pansin kong nahalata niyang wala ako sa mood ngayon kaya hindi na sya umimik pang muli.
Pakiramdam ko'y makaka tulog agad ako sa oras na makarating ako sa bahay. Pumara ako ng tricycle at sumakay, ilang minuto lang ay nasa tapat na kami ng bahay ko, dito na po kuya, at inabot ko sa kanya yung 20 peso bill bilang bayad ko.
"Miss, teka sukli mo" Narinig kong tawag nya sa akin di ko na nagawang limingon pa kay kuya, dire diretso ako sa loob ng bahay. Pag bukas ko ng pinto ng kwarto ko ay parang inaakit ako at tinatawag na mahiga dito. Inamoy ko ang sarili ko, okay pa naman ako hindi na muna ako maliligo siguro pagkagising ko nalang. Ibinaba ko na ang mga gamit ko at saglit na nag palit ng damit pang bahay. Matapos ay halos tumalon na ako sa kama, niyakap ko ang unan ko at inilubog ang mukha ko dito.
YOU ARE READING
The Camp
Mystery / ThrillerMag babarkadang mag kakaroon ng malaking problema, mga suriranin, ....at dito masusukat ang kanilang malasakit sa isat isa, tibay ng kanilang pag sasamahan tiwala at pag mamahalan. Halina't samahan natin sila sa magulo at masilimuot na kanilang pa...