Dear secret love,
Tinext ko si Vince yung friend kong lalaki, sabi ko "uy beh, punta akong iskul bukas para magtanong sa kulang kong gradea ha. Samahan mo ako pang-wala kang pasok." Nag reply naman sya ng okay daw wala syang pasok. Kaya kinabukasan pumunta na ako. Ang totoo, di lang naman yung registral ang pupuntahan ko para magtanong sa mga kulang kong grades. Isa ka sa dahilan kong bakit ako napa-text kay vince kundi dahil hanapin ka. Landi ko ba? Pasensya na tinamaan ako e. :)
So,yun nga pumunta na ako sa school kinabukasan. Dumiretso ako sa tambayan ni kenjie, pero magsineswerte ka nga naman. Pano ba kasi saktong andun ka. 😊 at dun kuna din nalaman ang pangalan mo, ikaw pala si Debby Jhon perez isang dancer and a first year student. Unang pumasok sa isip ko ay bata pa pala. :( habang ako kaka-graduate lang.
Nagtataka si vince sakin bakit daw ako ngiti nang ngiti pero umiiling lang ako ayaw ko sabihin sa kanya mapang-asar yun. Pero sinabi kong may crush ako. Gulat na gulat pano ba kasi sa apat na taon simula nung iniwan akp nang dati kong boyfriend, di na ako naging intiresado sa mga lalaki kaya sobrang niya akong kinulit kung ano pangalan mo pero di kupa din sinabi. Hehe :)
By: A.A