Aminin man natin o hindi, alam kong karamihan sa atin ay sumablay na pagdating sa pag-ibig. May ibang ibinigay na ang lahat pero tila kulang pa rin at nagawang ipagpalit sa iba ang taong mahal nila. Meron namang hindi nabigyan ng pagkakataong sabihin ang kanilang nararamdaman kaya nananatiling kaibigan na lang. At 'yong iba, nagawa ngang sabihin ang nararamdaman sa taong mahal nila, nagkataon namang may iba ng mahal ang mahal nila.
Ang saklap diba?
Sa buhay natin, marami tayong makikilala na pwedeng magbigay ng kakaibang saya satin. May mga tao rin tayong makikilala na pwedeng maging dahilan ng kalungkutan natin. Pero ano't ano man ang maging purpose ng pagdating nila sa ating buhay, lagi mong tatandaan na nasa sa'yo kung bibigyan mo sila ng karapatang saktan ka.
Yes. It's all up to you. As they say, people can never hurt you unless you allow them to.
BINABASA MO ANG
Mga Hugot Para Sayo
Teen FictionBasahin mo kung gusto mo. Kung ayaw mo edi wag, di naman kita pinipilit. Bakit ko pa ba pagpipilitan yung sarili ko kahit sa huli ayaw mo parin naman? Kakapagod maging TANGA!😏💔 Charaught😂