*HEART 1: The Promise*

796 61 40
                                    

A/N: eto na po ang re-construct chapter na ginawa ko. I hope magustuhan nyo ang bago kong ginawa. ^_^

Dedicated ito kay : @emerald_empress kasi habang ginagawa ko itong chapter na to sya ang kausap ko. Thank you ulet sa tinuro mong ninja moves friend!! ^___^ nako basahin nyo ung story nya grabe ang gaganda! lalo na ung " I'm His Gangster " grabeh supportive ako dyan! 

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


.

.

.

.

KRINGGGG!!!(tunog ng alarm clock)

Bigla akong napabangon sa kama dahil sa gulat ko sa tunog ng alarm clock " Ano ba yan?! " galit kong sabi. Kinuha ko yung alarm clock at pinatay, humiga ulit ako sa kama at tinakpan ang mukha ko ng kumot para matulog.. 9:00 am palang naman , maaga pa yan. Pinikit ko ulit ang mga mata ko para makatulog ulit.

Habang sinusubukan ko ulit maka tulog " Hey! wake up remeber the promise?! " may biglang sumigaw sa loob ng kwarto ko. May naririnig akong mga yapak papunta sa kama ko, nagulat ako nang biglang nalang tumaas ang kumot na nasa mukha ko at nakita ko ang isang nakakainis na nilalang sa buong mundo. 

Dahil sa ginawa ng nilalang na ito nairita ako " Pwede ba! ayoko ko pa ngang bumangon eh! Shoo, shooo! " sabi ko at tinakpan ko ng unan ang ulo ko para di ko sya makita. 

" Ah ganun ah! " sabi nya at bigla nya akong hinawakan sa mga paa ko at hinila pababa ng kama.

" Aray naman! " bigla kong sigaw. Ang sakit kaya ng ginawa nya. Hinila ako pababa ng kama, edi bagsak ako sa sahig, tiles pa naman ung sahig ng kwarto ko. Tsk!

" Pwede ba bumangon ka na! anong oras na oh male-late ka na! " sabi ng nilalang na naka tayo ngayon sa harap ko, habang ako ay naka upo parin sa sahig.

Iniinis talaga ako nitong nilalang nato eh. Tumayo ako sa pagkakaupo ko sa sahig at hinarap ko sya. " Anong male-late?! ang aga pa kaya! Wala akong pake basta ako matutulog ako!! " sigaw ko sa pagmumukha nya ko at akmang hihiga ulit sa kama.

Akala ko tagumpay akong makakapunta sa kama ko para matulog ulit. Un ang akala ko dahil...

"AHAHAHAHAHA! WHAHAHAAHAH!! Kuya! AHAHAHA tama na! WHAHAHA " bigla ba naman akong kiniliti nitong nilalang nato. At sa weakest part nya pa ako kiniliti ah!

" Ano magbibihis ka na oh kikilitiin kita! " sabi nya habang kinikiliti parin ako.

" Oo WHAHAHA magbi- WAHAHHA bihis na! AHWHAHA tama na kuya!! " pagkasabi ko nun tinigil na nya ang pagkiliti sakin.

HAY! nako ano batong kuya ko! kilalang-kilala ako! alam kung san ako mahina!!

" Magbihis ka na! " sigaw ng kuya ko at paalis na ng kwarto ko " Opo, opo matandang binata " bulong ko sa sarili ko.

" Anong sabi mo? " nabigla ako nang bigla syang humarap at nakatingin sakin ng masama.

O_O " Wala, wala! sabi ko eto na magbibihis na ako " pagsabi ko nun tumango sya at tuluyan nang umalis ng kwarto ko. Grabe! hindi naman malaki ang tenga nya ah? Bat narinig nya ung binulong ko?? Hay.. whatever.

Pumasok na ako sa banyo. At tinanggal ang dapat tanggalin, MALAMANG maliligo ako eh! Mga 1 hour ako kung maligo kaya medyo maiinip kayo sa paghihintay.

Who Will Open My Heart "ON HOLD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon