#1: Advices
--
Kinalimutan ko lahat. Kinalimutan ko na artista ako, kinalimutan ko na may boyfriend ako para sa kanya... Kinalimutan ko ding bakla ako. Hindi ko napigil ang sarili ko. Siya ang may kagagawan ngayon. Parang sa isang iglap lang, nakalimutan ko lahat. Bawal to e, sobrang bawal. First of all, ang tingin nya sakin ay isang sobrang bakla. Second, she doesn't like me, and lastly, ang pinaka matindi, she looks me as her FRIEND only. Hopia pa bakla. Sige pa.
Mas lumalapit sya, the more nadadagdagan ang nararamdaman ko sa kanya, nagayuma yata ako nito. At sa buong buhay ko, sya lang ang minahal ko ng sobra. Yung handa kang mategi kakaasa lang sa kanya. Saklap nga e.
Gusto kong lumayo... Gusto kong magtago pero hindi ko magawa. Sa araw araw na magkasama kami, sa araw araw na nagkikita kami, hindi ko mapigilan ang sarili kong angkinin sya.
Ang nakakaalam lang nito.. Si Vhong, syempre sya kaclose ko e. Sya napagtataguan ko ng nararamdaman ko. Siya yung kasama ko sa times na down na down ako dahil sa letcheng pag ibig ko sa babaeng yun.
"V-vice.." Sabi niya habang patuloy na nanginginig ang boses. "Vice.. Vice!" Palakas ng palakas ang pagtawag niya sakin. Hindi ako matauhan. Naririnig ko siya, nakikita ko siya, nararamdaman ko siya pero hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. "Vice, sinong crush mo?" Okay, siguro sapat na yun para matauhan ako. Mula sa malalim kong pagmumuni, ginising ako ng tanong niya.
"Anuka, ulaga? Ba't ko naman sasabihin sayo?" Pagtataray ko. Umayos sya ng pagkakaupo sa tabi ko at humarap sakin na parang interesadong interesado.
"Sige na.. Si Jhong no? Or si Vhong? OMG! Baka si Teddy!" And we burst a laugh. Halos lahat nagtinginan samin dito sa lounge. Lumapit naman samin si Vhong at Anne.
"Oy ano kayong dalawa dyan? 2 minutes nalang daw sabi ni Direk." Sabi ni Anne ng pagewang-gewang at sinasabayan ang tugtog mula sa MP3 nya.
"Kayong dalawa... Nagkakadevelopan na no?" Pang aasar naman ni Vhong.
"Hinde, eto kasing si K parang baliw." natatawa kong sagot.
"E Vhong, parang araw araw namang may something dyan sa dalawa e." sabat ni Anne na nakapagpaseryoso samin ni Karylle. "Oh, sige mauna na kami ni Vhongskie. Bye love birds!" Nag wave naman si Anne at pinulupot ang kamay sa braso ni Vhong at umalis.
"Kabayo ako Ngangabu!" sigaw ko naman sa kanya. Natira nalang kaming dalawa ni Karylle sa lounge.. As in kaming dalawa lang.
"So sino nga?" pangungulit naman ni Karylle. "Gwapo naman ba? Mabait? Mayaman?"
"Lahat na nasa kanya, pwera lang sa gwapo."
"Ha? Pangit?" Nag frown naman siya pero halata namang natatawa padin siya.
"Hinde.. Maganda kasi.. Babae." Kinilig naman ako ng bahagya. Nag brighten up ata yung mata ni Karylle, o imaginasyon ko lang? Ewan.
"A--" at first alam ko nang sasabihin nyang 'ako' kaya tumango ako. Hindi siya nashock. Bagkos, nagbigay ng malungkot na ngiti sa akin? Ayaw nya bang mahalin ko siya? "Si Anne. Okay." Sabi niya with matching disappointed look. Si Anne?! Yung ngangabung yon? Heler, we're sisterets no!
"Ah.. Oo.. Oo." At tsaka uli ako natauhan. Nagsinungaling ako kasi ayoko naman talagang malaman niya. Mahirap nang irefuse ako ng taong to e eto na nga yung buhay ko. "Please wag mong sasabihin kahit kanino." pagmamakaawa ko.
"Ah Okay. Sige. Mauna na ako ha? Mag aayos lang ako. Sige. Thanks Vicey." sabi niya habang nagmamadali. Anung nangyare?
--
BINABASA MO ANG
Time Machine | Vicerylle One shots
FanfictionJose Marie Viceral and Ana Karylle Tatlonghari one shots