Save me

12 1 0
                                    

Xianna's POV

4 months na si Xanthene ngayon at nakakagapang na siya.. Ang cute cute talaga ng anak ko.. Mana sa daddy...

Pagpasok ko sa kwarto ay nabigla ako sa nakita ko...
At napatawa.. Kaya pinituran ko na silang dalawa

Parehas silang bagsak na at tulog na tulog.. Si Xanthene mahimbing na natutulog sa ibabaw ni Lucky yung pwet niya nasa mukha ni Lucky at nakabukaka pa.. Si Lucky naman hawak hawak si Xanthene sa kamay...

"Baby.. Ayos na nang higa" sabi ko kay Xanthene at binuhat na siya at itinabi kay Lucky.. Tumabi na rin ako kay Xanthene para mapagitnaan namin ni Lucky..

"Naka uwi ka na pala.. Kumain ka na ba?" tanong ni Lucky

"Hindi ako gutom... Gusto ko lang makita ang mag ama ko.." sabi ko sabay kiss sa pingi nila..

"After this week.. Pwede ka nang hindi pumunta sa shop palagi.. " sabi sakin ni Lucky..

Tumango naman ako..

Nagulat ako ng biglang mapatayo si Lucky..

"Bakit?" tanong ko

"May ibang tao sa bahay" sabi niya...

Agad naman akong napayakap kay Xanthene...

"Titignan ko lang" sabi ni Lucky at ibinulsa yung baril niya...

"Mag ingat ka" sabi ko sa kanya..

Binuhat ko naman si Xanthene at pinaunan sa Balikat ko..

Nakita ko naman na tumatakbo papunta samin si Blue at Tin na akala mo ay may gyera at binabantayan kami..

Nakarinig naman ako ng putok ng baril sa labas..kaya napalabas ako ng kwarto at nakita ko si Lucky na may binabaril..

"Xia.. Run!" sabi niya kaya tumakbo ako pababa ng basement .. May daanan kasi dun palabas... Nakasunod naman samin si Lucky at yung mga aso..

Tumigil kami ni Lucky sa main switch at pinatay lahat ng Ilaw..
Now.. Its Lucky's turn ..

"Xia diyan lang kayo" sabi ni Lucky at pinaupo ako sa gilid ng kung saan man to..

"Lucky.. Plss.. Mag ingat ka ha.. Promise mo sakin na hindi ka magpapapatay kasi ako talaga papatay sayo idodouble dead kita!" sermon ko sa kanya.. Naramdaman ko naman na hinalikan niya si Xanthene at hinalikan niya rin ako sa labi..

"Lucky.. Huy.. Sagot" sabi ko sa kanya..nilapit niya lang yung noo niya sa noo ko.. At naramdaman kong may pumatak na luha sa pisngi ko at umalis na siya...

"Lucky!" sigaw ko ng makarinig ako ng putok nanaman ng baril..

Napayakap ako ng mahigpit kay Xanthene...

"Daddy will be ok" sabi ko..
Nakarinig naman ako ng sirens na galing sa sasakyan ng mga pulis.. Umiyak nman si Xanthene at biglang nagbukas naman lahat ng ilaw sa  paligid..

May mga pulis na pumunta samin

"Mam.. Ok lang po ba kayo?" tanong nung pulis

"Asan yung asawa ko.. ?" tanong ko

"Hindi ko po alam ang itsura ng asawa niyo" sabi niya kaya tinulak ko siya at umakyat at hinanap ko si Lucky..

Will I Bend or Break?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon