"ANG INGAY!" sigaw ko sa buong classroom pero IMPOSIBLENG pakinggan nila ako -____-
Makapag-earphone na nga lang. Volume High!
biglang may umupo sa tabi ko.
si Ethan, ang taong matagal ko nang palihim na minamahal. Nakita ko pang kinakantyawan sya nila Topher, mga tropa nya. >////////<
Ohgosh! Iniwas ko na lang yung tingin ko sa knya pero bigla nyang tinanggal yung isa kong earphone at ramdam na ramdam ko yung panlalamig ng kamay nya.
"pasulat naman." sabi nya sabay abot ng papel, yung mabangong papel? basta yun.
"n-ng ano?" kabadong tanong ko. Sa totoo lang kasi ngayon ko lang sya nakausap ng ganun.
"ng love letter." awwwww </3 I forced to smile kahit na naiiyak na ko. "su-sure!." kinuha ko yung papel at nagsimula na nyang sabihin yung mga isusulat ko.
Hi there pretty girl! :)
Nakakabading man aminin pero kinikilig ako sa tuwing nakikita kong nakatingin ka sakin. Natotorpe ako sayo kaya dito ko idadaan lahat ng kakornihan ko. Gusto kita, gustong-gusto kita, sana wag mo kong iwasan pag nabasa mo 'to. Hanggang dito na lang muna.
-Ethan
Feeling ko anytime tutulo na ang luha ko kaya tumakbo na ko palabas ng room. Sobrang sakit </3
Ang bigat ng pakiramdam ko habang sinusulat ko ang Love Letter. Uwian na ng bumalik ako sa classroom. Cleaners na lang ang nandun, kinuha ko na ang bag ko at umuwi. Pinilit kong kinalimutan yung nangyari kanina, gagawa na lang ako ng homeworks. Nagulat ako sa nakita ko sa loob ng bag ko. Yung Love Letter na ginawa ko kanina nasa loob ng bag ko? NO! bawal mag-assume. Baka nagkamali lang ng lagay.
Pagpasok ko kinabukasan, hinanap ko agad si Ethan pero andun pa din naman yung panalangin na 'SANA' 'di sya nagkamali ng pinaglagyan. Marami akong kaparehong bag sa room pero alam naman nya kung san ako nakaupo.
"Ethan!" agad naman syang lumingon. Kinakabahan ako habang lumalapit sya sakin.
"bakit?" tumungo ako para hindi ko makita ang reaksyon nya at saka ko inabot yung Love Letter.
"nagkamali ka ng lagay, nailagay mo sa bag ko." matagal bago sya sumagot.
"hahahahaha! ganun ba? pasensya na." kinuha nya yung Love Letter na hawak ko at tumalikod na sakin. Sana lamunin na ko ng lupa o tangayin ng hangin. Ang sakit-sakit na sobra! </3
Natapos ang araw na wala akong natutunan.Hindi ko maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Umuwi na ko diretso ni hindi ko nang nagawang magpaalm sa mga friends ko. Ang gusto ko lang ngayon umiyak, umiyak ng umiyak para mabawasan kahit papano yung sakit nararamdaman ko.
Late ako nakapasok ngayon dahil sa kakaiyak kagabi buti na nga lang at hindi gaano maga yung mga mata ko. Magka-cut class na lang ako sa Filipino dahil hindi ko pa nagagawa yung homework ko sa Physics. Umupo ako sa bench at binuksan ang bag ko, nakakita ulit ako ng isang pamilyar na note. Isa na namang Love Letter. Hindi na 'to aksidente, sinasadya na 'to ni Ethan. Ihate him! bakit nya ko pinagti-tripan?
"oy late ka na ah?" narinig ko ang pamilyar na boses, ang boses ni Ethan.
"maling bag ulit yung pinaglagyan mo.." at saka ko iniabot ko yung Love Letter sa knya.
"ha? imposible, sigurado akong hindi ako nagkamali ng pinaglagyan. Baka kasi para sayo naman talaga yan?" sabi nya. Hindi ko alam yung ibig nyang sabihin pero pano nga kaya kung para sakin talaga 'to? I open the letter.
Hi there pretty girl! :)
Ako na nagsulat nito kahit panget yung sulat ko, ayoko na kasing magpasulat sayo lalo nung nakita kong nalungkot ka. Wala kasi akong maisip na paraan para makausap at malapitan ka kaya naisipan kong magpagawa sayo ng Love Letter na para sayo naman talaga. Nung tinanggal ko yung earphone mo, sobrang kinakabahan ako, nanlalamig kamay ko nun pero sana hindi mo nahalata. Nung tinawag mo ko, akala ko OK na lahat pero nagulat ako nung binalik mo sakin yung Love Letter kasi akala mo namali ako ng pinaglagyan. Hindi ko alam ire-react ko nun kaya tumawa na lang ako at nag-sorry pinangunahan na naman kasi ako ng katorpehan ko. Tumalikod agad ako sayo baka kasi mahalata mo. Pagtapos nun, naging malungkot ka ng buong klase, gusto sana kita lapitan kaso dinaga na naman yung dibdib ko. Sana pag nabasa mo'to wag mo na ulit ibalik. Ikaw yung gusto ko, yung taong matagal ko ng palihim na minamahal. Sana wag mo kong iwasan. Hanggang dito na lang muna.
-Ethan
Napatingin ako saknya. "ibabalik mo pa ba?" tanong nya. tumulo na lang ang luha ko, eto yung tinatawag nilang 'tears of joy'. Lumapit sya sakin at niyakap ako and this is the best feeling ever! ang yakapin ka ng taong mahal mo. After thet day, everytime na bubuksan ko yung bag ko, palagi nang may Love Letter galing kay Ethan, ang taong matagal ko nang palihim na minamahal. ♥
***
Sana napakilig ko kayo :D
leave your feedback guys! :3
Thank you readers! :*
-zayzie
BINABASA MO ANG
Love Letter [ONE SHOT]
Teen FictionGoodnews: Nilapitan at kinausap ka ng taong matagal mo nang palihim na minamahal. Badnews: Sayo sya nagpasulat ng Love Letter para sa taong matagal na din nyang palihim na minamahal. Tanong: papayag ka ba kahit alam mong masasaktan ka?