Prolouge

7 0 0
                                    

Prolouge

"Thank you Ate!!" Sabi ng kapatid ko.

"Basta ikaw Reyna. Basta pagkailangan mo ako nandito lang si ate palagi para sayo." Sabi ko naman sakanya.

Pinagmamasdan ko ang kapatid ko. Ang ganda niya sa kanyang suot na Wedding Gown. Bumagay talaga sakanya. Sabi nila kamukha ko raw siya pero pag pinagmasdan mong mabuti makikita mo mas malambot ang features niya kesa sakin. Lalo na ngayon, ang matangos na ilong, mapupungay na mata ay lalong pinaganda dahil sa mga kolorete, ang kanyang malalambot at mamula mulang labi ay lalong pinapula ng kanyang Lipstick. Lahat perpekto. Pati ang araw na ito ay perpektong perpekto para sakanya.

Pero para sakin Hindi.

Ako lang naman ang ginawa niyang bridesmaid diba dapat matuwa ako? Kasi ako ang bridesmaid ng minamahal kong kapatid pero bakit di ako masaya? Kasi naiinggit ako? Kasi ako yung ate nauna pa syang ikasal? Hahahaha kung kapamilya kita maari mong maisip yan na rason ko kaya ayoko sa kasal na to. Pero dahil ito sa mapapangasawa niya.

Hindi naman masama ang asawa niya. Actually gustong gusto ko ang asawa niya. As in literal na gustong gusto ko. Ang pinapangarap ko kasi ay ako ang pakakasalan niya pero bat nagkaganito? Di ko akalain na sa kapatid ko pala siya ikakasal ang hirap din ng ganito ha. Palihim kang nasasaktan pero kailangan mong ngumiti para maipakita na masaya ka para sakanila pero sa totoo lang ay gusto mo nang mag walling dyan sa pader at mag wala. Hays saklap ng life ko noh?

Pero kahit masaklap ang katotohanan ay wala na kong magagawa basta ba maging masaya na ang kapatid ko ay ipapaubaya ko nalang sakanya ang aking mahal kahit ito lang din naman ang kasiyahan ko basta mahalin din sya nito.

Nauna na akong naglakad patungo sa altar at nakita ko kung gaano ito kalayo at sunod kong tiningnan ang mga mata ng aking minamahal na naghihintay sa altar. Alam ko naman na hindi ako ang kanyang hinihintay pero bawal bang mag feeling na ako yung ikakasal? Kung pwede lang sana talaga na ako yung ikasal sakanya. Pero di naman ako ang kanyang mahal. Kaya inilipat ko nalang ulit sa altar ang aking mga paningin. Nararamdaman ko maraming nakatingin saakin. Sanay din naman ako pero merong isang pares ng matang nagpakaba sakin. Ang naiibang kulay na matang nakatingin sakin. Bakit sya nandito? Anong ginagawa nya dito? Letcheng buhay naman to ah!! Bat nandito yang lalakeng yan?! para guluhin ang buhay ko? Bwiset!! Sorry po Lord huhu.

Ayan na... Dadaanan ko na sya... Dapat naka harap lang sa unahan... woooh kaya ko to... pero nararamdaman ko parin na nakatuon lang sakin ang kanyang seryosong kulay abong mga mata na walang ekspresyon na para bang hinihintay na tumingin din ako sakanya. Ewan ko ba pero di ko mapigilan ang sarili ko at pinaunlakan ko siya sa kanyang kagustuhan at nung tumama ang aming mga mata ay kumunot naman ang noo nya.

' bakit anong problema? ' ayan ang katanungan na nasa isipan ko.

At agad ko ring binawi ang aking mga titig. Tumingin na lamang sa altar hanggang makapunta ako. Dahil alam ko pag tinuon ko pa lalo ang aking paningin sa kanya ay siguradong manginginig nanaman ang aking mga tuhod kaya dineretso ko nalang ang aking paglakad. Pagkarating ko sa unahan ay lumiko na ako para sa aking mauupuan. Nakatayo parin kami hanggang sa dumating ang aking kapatid at naglakad din patungo sa altar upang salubungin ang kanyang magiging asawa. Masakit man pagmasdan pero di ko maiwasan matuwa para sa minamahal kong kapatid. Buti pa sya mapapakasalan niya ang taong mahal niya. Ako kaya magmamahal pa ulit?

Nag simula na ang serimonya ng kasal ay wala akong masyadong naiintindihan. Dahil nararamdaman ko ang mga tumutusok sa likod ko na mga titig nya. Pinaalalahanan ko ang sarili ko na wag lilingon sakanya. Pero ewan ko ba talaga adik ata ako at liningon ko siya. At pagbaling ko sakanya nakita ko ang walang ekspresyon na mukha ay unti unting linabasan ng galit sa mata. Kinabahan ako kaya tumingin ibinalik ko ang paningin sa kapatid kong nangangako sa aking minamahal na mamahalin niya.

Natapos ang seremonyas kasal ay nag picture taking sa unahan. Nung tinawag kaming magkakapamilya ay sumali na din ako sa unahan. Hinanap ko siya sa dagat ng tao ngunit hindi ko sya mahagilap kaya inabala ko nalang ang aking sarili sa pagkuha ng litrato. Natapos kaming magpicture picture ay pumunta na kami sa reception na sa kalapit na hotel lamang.

Pagkatapos kumain ay may nag sasayawan na sa gitna kaya inabala ko ang sarili ko sa panunuod sakanila. Pero may humarang sa harap ko at nakita ko ang nakalahad saking harap ang kamay. Tiningnan ko ang kamay na magaspang na parang marami nang pinagdaanan na trabaho. Unti unti ko ring tinaas ang aking paningin sa kanyang makikisig na braso hanggang sa nakita ko nanaman ang kanyang walang ekspresyon na mukha. Kahit kinakabahan ay tinangap ko paring ang kanyang kamay.

Kailangan naming mag usap.

Hinila nya ako sa gitna ng mga sumasayaw at nilagay nya ang aking kamay sa kanyang balikat at pagkatapos pinadulas niya sa aking bewang ang kanyang mga kamay.

"Bakit ka nandito?" Galit ngunit bulong kong utas sakanya.

"Why babe don't you like me here?" Mapanlaro nyang tanong sakin.

"Anong kailangan mo sakin?" Tanong kong muli.

"Am I not allowed here? Well Ezekiel is a friend of mine." Sagot nya naman sakin at nginitian ako.

Iyang ngiting yan. Ang nagpapahina sakin. Sana tigilan nya na ko hindi ako handa sa kanyang mga laro.

"Please Khalil stop playing with me. I'm not born just to play with your damn games." Pagpapaliwanag ko sakanya.

"Oh really?" Aniya at may mapaglarong ngiti.

"Let me repeat myself. Bakit ka nandito Khalil? Anong kailangan mo?" Paguulit ko ng aking mga tanong sakanya.

"I'm here to save my Queen."

Game Of ChessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon