Chapter 1
Naghahanda na ako para sa aking unang araw sa Kolehiyo. Medyo kinakabahan ako at naeexcite.
Ano kaya ang naghihintay sakin ngayong taon? Sana makatapos ako ng pag aaral ng matulungan ko sina Mama at Papa sa trabaho. Lumabas na ko ng kwarto para makaalis na patungong eskwelahan.
"Ma alis na ko!!" Pagpapaalam ko.
"Oh sige mag iingat ka." Aniya.
Lumabas na ko at nagtungo sa aking paaralan.
Pagkarating ko sa Gate ng aking eskwelahan ay tiningala ko ang Tatlong initials nito sa taas. Lalo akong ginanahan pumasok dahil nandito ako sa pangarap kong eskwelahan kaya pumasok na ko.
Unang klase ko ay di pumasok ang professor namin. Kainis naman excited pa naman ako!!
Pumasok naman ako sa pangalawang klase ko Pagpasok ko dito naabutan ko maraming ng estudyante kaya naupo ako sa may likuran. Pumasok na ang aming Professor kaya natahimik ang buong klase.
"Goodmorning Everyone. I'm Antonio Montecastro. Your professor in Philosophy. Now that have I intoduced myself I want you to Introduce yourself. For me to familiarize each one of you."
"Hi Im Maria Claraa......" Anang sa unahan nakinig lang ako sakanilang pagpapakilala dahil wala naman akong magawa. Hanggang ako na ang susunod.
"Hi I'm Quinn Chryzanthia Fernandez, 18 years old." Maikling pagpapakilala ko sakanila.
Talak ng talak ang professor namin tungkol sa kanyang mga tatalakayin sa subject na ito kaya nakinig ako ng mabuti para mapagaralan ko na kaagad ito. Hanggang natapos ang klase. Susunod naman na subject ko ay... Vacant na ang oras ko. Nakaka excite noh?
Habang nag aayos ako ng gamit ay may lumapit sakin.
"Hi!!" Bati ng babae.
"Hello." Sagot ko naman at binigyan ko sya ng matamis na ngiti.
"Quinn Chryzanthia right?" Tanong nya.
"Yes, sorry di ko maalala name mo." Nahihiya kong sagot.
"Isabecca Smith nga pala." Aniya sabay abot ng kanyang kamay.
Tinanggap ko naman ito. Smith. Kung titingnan mahahalata mong may halong amerikana sya maputi, makinis ang kutis, namumula mula, matangos ang ilong at natural na brown ang buhok niya.
"Ang ganda naman ng name mo ang unique." Sabi nya na kumikislap ang mata.
"Hehe hindi naman sa ganun." Nahihiya kong sambit.
"Wow QUEEN! Reynang reyna ah? Tapos pano ba spelled ang Chryzanthia mo?" Kyuryoso nyang tanong.
"Ah hindi naman yung Quinn ko ay Q-U-I-N-N tapos yung Chryzanthia ay C-H-R-Y-Z-A-N-T-H-I-A." Nahihiyang pagpapaliwanag ko sakanya.
"Wow ang ganda." Mangha nyang sagot.
Nginitian ko lang sya.
"Pwede ba tayong maging friends?" Tanong nya.
"Sure Isabecca." Nakangiti kong sagot. Finally!! Friend!!
"Nah just call me 'Becca'." Paglilinaw nya.
"Oh okay. Becca."
"Good. Quinn." Sambit nya.
"Uhmm Becca ano Kriz nalang." Sabi ko.
"Bakit?" Pagtataka nya.
"Kasi pag Quinn baka isipin nila nafefeeling reyna. Nakakahiya kaya." Pagpapaliwanag ko.
"Nah!! Sayang naman yung kagandahan ng binigay sayong pangalan kung kinakahiya mo!! Ang ganda kaya!!" Sabi nya.
"Eh nakakahi-" pinutol nya ang sasabihin ko.
"Bahala ka! Yun basta ang gusto kong itawag sayo." Sabi nya sabay halukipkip.
Napasinghap at napasangayon nalang kasi di ko naman sya mapipigilan yun gusto eh. Tapos ayoko namang mag away kami unang kaibigan ko nga sya pag aawayan pa namin ang pangalan na itatawag nya sakin hay bahala na.
"Patingin ako ng sched mo." Sabi nya kaya binigay ko naman.
"Halos magkakaparehas lang pala ang klase natin kaya tayong dalawa nalang ang magkasama palagi. Okay ba?" Nakangiti nyang sinabi sakin.
"Buti pa nga!! Akala ko magiging loner ako haha buti kinaibigan mo ko." Sabi ko.
"Walang anuman. Tutal Vacant na tayo. Gusto mo ba tumambay muna?" Anyaya nya.
"Huh? saan naman?" pagtataka ko.
"Dyan lang sa coffee shop sa labas." anito.
"Sige." Sagot ko kaya pumunta na kami.
"So bakit ka nag Hospitality Management?" panimula nyang tanong pagkaorder namin.
"Hmm bukod sa gusto ko mag travel, gusto ko rin mag tayo ng sarili kong hotel." simpleng sagot ko.
"Ahhh nice choice. Ako kasi walang mapiling future hahahahaha kaya HM nalang ang course na kinuha ko medj malawak ang industry na to eh kahit saan pwede makapasok." sabi nya.
"May point, pero wala ka bang pangarap sa buhay?" kuryoso kong tanong sakanya.
"Madami pero masyadong matataas kaya wag nalang." pinagkibit balikat nya.
"Sayang naman!" panghihinayang ko.
"Well bahala na si Lord! hahahaha" sagot nya.
Natapos ang dalawang oras na pg uusap namin at pumasok na kami sa last subject namin para sa araw na yon.
Tipikal na first day lang ang nangyare nag pakilala lang kami at nag bigay lang ng syllabus. Hanggang sa umuwi na kami.
BINABASA MO ANG
Game Of Chess
RomanceNakapaglaro ka ba ng Chess? Alam mo ba yung feeling na pawn ka lang. Ikaw yung mag a attack at magpapakain? Sa totong buhay yung para bang ikaw yung maghihirap ka tapos sa huli mamamatay ka lang naman pala walang kwenta yung buhay. Ikaw yung pawn na...