I.
Ang mga paa ko'y bumabalik nanaman sayo
Paurong, Hihinto, susulong... ito nanama't nalilito
Umaasang matutuhan mo ring mahalin ako
Kahit alam ko'ng sakit lang ng puso ang dulot nito.
II.
Sa mga ngiti mo ako'y nanalig at kumakapit
Mas masakit mas mahigpit
Kahit abutin ng walang hanggan hindi ako pipikit
Patuloy paring babangon at muling kakapit
III.
Noong ika'y lumayo ako'y sobrang nalungkot
Kahit piliting limutin, nandun parin ang kirot
Ang kakaibang kislap sa iyong mga mata
Ay pruweba na talagang malabong maging akin ka.
IV.
Kung nababasa mo lang ang laman ng utak ko
Kung naririnig mo lang ang tibok nitong aking puso
Magbabago kaya ang isip at nararamdaman mo?
Oh aasa nanaman ako at habang buhay nalang bigo.
V.
Tuwing nakikita kitang masaya, ako rin ay sumasaya
Kasi di kita kayang pasayahin kagaya ng iba
Gusto man kitang hawakan at lapitan
Alam kong hindi dapat, kasi di naman ako ang yong inaasahan.
VI.
Hindi ko alam ang pakiramdam na nandito parin ako
Umaasang ang puso mo'y sa akin naman mangangako
Gusto kong mang maging akin ka at ako'y maging sayo pero...
Anong magagawa ko kung alam ko naman hanggang kaibigan mo lang ako.
BINABASA MO ANG
Bakit Di Nalang Ako?
PoetryThis poem is for the people who stuck in the room called "FRIENDZONE" Tagalog :)