Chapter 33

9.5K 195 13
                                    

"Iha, naturo ko naman na siguro sayo lahat? Kailangan ko na din kasi umalis kasi baka iwan na ko ng sasakyan kong bus. Kung may tanong ka, tanong mo na lang kay Jane." Ngumiti sakin si Manang. Haysss. Napakabait talaga niya. Niyakap ko muna siya saka nagpasalamat ulit.

"Pwede ba akong magtanong iha?" Kasabay ko si Manang palabas ng bahay kasi ihahatid siya sa bayan. Makikisabay na ren ako para bumili ng mga damit.

"Ano po yun Manang?" Nagtataka kong tanong.

"Nagtataka lang kasi ako iha. Napakadali mong nakuha ang loob nung bata? Saka paanong natawag ka niyang mama?" Naguguluhang tanong sakin ni Manang.

Napakamot ako sa ulo saka iniwasan ang tingin niya.

"Hmm, siguro po manang... kasi... malapit po ako sa bata?" Ano ba yun Thea? Tanga mo naman magsinungaling.

"I mean po ano, kasi may anak po ako. Tsaka namimiss ko lang po siguro siya kaya parang anak na rin po ang turing ko sa kanya." Nakangiti kong sabi kay Manang. Nakita ko ring ngumiti si Manang saka tumango.

Narating namin ang bayan saka nagkapaalaman sa isa't-isa.

"Goodluck, iha" Yan lang ang sinabi ni Manang saka niyakap ako. Nakasakay na rin siya sa bus at kumaway.

"I'm sorry po Manang"

************************

Nakabalik na ulit ako sa bahay. Nadatnan kong pinapagalitan ni Jane ang anak ko kaya agad-agad kong nilapitan sila.

"Ano ba?! Di mo naman kailangang sigawan ang bata!" Sigaw ko sa kanya. Kasi naiyak na si Craig habang pinapagalitan at sinisigawan siya ng babaeng 'to.

"Ano bang pakialam mo ha?! Bago ka lang dito. Di mo alam gaano katigas ang ulo ng batang 'to!" Inagaw ko sa kanya si Craig saka kinarga.

"Pero di mo siya kailangang sigawan?!" Iniwan ko siyang nagngingitngit dun sa sala saka dinala si Craig sa kwarto.

"Ma--ma" Naiyak pa rin siya hanggang ngayon.

"Baby, andito na si mama. Di ka na nila sasaktan ha." Niyakap niya ulit ako hanggang sa nakatulog siya sa balikat ko.

Zalbeda's Baby (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon