Sa isang pagkakataon sa buhay mo muli kang magmamahal , ngunit paano kung sa isang relasyong di nanaman matanggap ng lipunan. Hindi pang karaniwang pagmamahalan ,na kahit ipaglaban , walang katiyakang magkakaroon ng magandang hinaharap.
Hanggang saan mo kakayanin ang lahat?
Patuloy na tanong ng isipan , pero sa tuwing sasabihin niya sayo na "Wag kang bibitaw , Andito lang ako para sayo, Mahal na mahal kita" . Hayan ! Hayan na at lumalakas ang loob mo. Sapat na para mawala ang pangamba sa puso na bawat bahagi nito ay nagsasabing kakayanin mo, kakayanin natin.
Ngunit paano kung ang daming taong gusto na magkalayo kayo? Handa ka ba na harapin ang lahat ng ito?.
Paano ang sasabihin ng inyong pamilya?.
Paano ang magiging tingin ng mapanghusgang mata ng lipunan?.
Dapat pa bang isipin ang sasabihin nila kung ikaw naman ay masaya?.
___ ANG NAKARAAN____
Naaalala ko nung unang nag-open ako sa magulang ko, tungkol sa manliligaw ko na babae, ang unang naging katanungan ng aking ina.
"Anak, tomboy ka ba?" ako'y bahagyang natawa, sapagka't ako'y natawag na tomboy, na ni sa hinagap hindi ko nakitaan ang sarili ko na magiging tomboy, hindi naman ibigsabihin na may manliligaw ka na babae ay isa ka na din tomboy, maaaring mali ang magmahal ng kapwa mo babae na sabi ng aking mga magulang ay wala sa bibliya, ngunit ano ang aking magagawa?.
"Ma, hindi ako tomboy na kagaya ng iniisip mo na magiging lalaki ako manamit, hindi ako ganun" aking sambit, hindi ko nais baguhin ang aking itsura, hindi ko naisip na ipagupit ang aking buhok na kasing iksi na tulad sa isang lalaki, dahil nagmamahal man ako ng babae ay hindi ibigsabihin ay pati yung aking anyo ay akin ng babaguhin.
"Alam mong masama yan sa mata ng diyos, anung sasabihin ng ating mga kasamahan sa simbahan" sabi ni ina, napaka relihiyosa kasi ng aking ina na ang bawat gagawin ng tao ay nakabase sa bibliya, kung ano ang tama at sa mali, kahit ako ay alam na mali ang ganitong uri ng relasyon, pero hindi ko naman madiktahan ang aking puso.
"Alam ko naman ma, pero naiwas lang ako na mangyari sakin ang nangyayari sa ibang kabataan na nabubuntis ng maaga" sa totoo lang yan talaga ang dahilan ko sa aking ina nung mga panahon na iyon, kaya ako sumuong sa ganitong relasyon, dahil natatakot ako na baka magkamali ako, na baka madisgrasya ako ng dahil sa pagmamahal ko sa isang tao.
_ PAGBABALIK TANAW _
Naalala ko pa nung ang aking kapatid na babae ay nabuntis ng maaga, nasa edad lamang siya ng disi nueve, isang umaga siya ay pumunta sa aming bahay sa cavite, sapagkat siya ay nagaaral sa Ateneo de Cagayan probinsya ng cagayan de oro, nagising na lamang ako na may nagsisigawan sa ibaba, agad akong bumangon para tingnan kung anong kaganapan, laking gulat ko ng sampalin ng aking ina ang aking ate, tinawag ko ang aking ina.
"MA !! ANO BANG GINAGAWA MO? BAKIT MO SINASAKTAN SI ATE?? " aking sigaw at sabay lapit sa ate ko.
Mas nabigla ako dahil sa pagharang ko sa ate ko ay may naramdaman akong matigas sa kanyang tiyan, pagtingin ko ay namimilog ang kanyang tiyan na wari nakalunok siya ng pakwan, at yumakap sa akin ang ate ko at humahangos sa pagiyak, limang buwan na ang tiyan ni ate, at hirap na din siya kumilos sa laki na ng tiyan niya, narinig ko na lamang ang aking ina at ama na nagsalita.