chapter 2

84 3 0
                                    

Chapter 2   Dora The Explorer

Drei POV

Ano ba yan, kailangan ko nanamang pumasok sa school,naiiritang sabi ko

Wala na man kasing masyadong gagawin at isa pa maboboring lang ako dun, lagi namn eh, kahit tulugan ko lang yung mga subject naming makakapasa pa din naman ako eh, hindi dahil sa nagyayababang ako pero ako ang top 1 ng klase ko unfortunately may ka tie ako

Teka ibahain natin yung usapan, ibalik natin sa pagiging boring ng aming school, eto na nga puro pag-aaral, maglelesson ng sobrang boring ang masaklap pa 1 hour per subject, tapos magbibigay ng sang damakmak na homeworks,quizzes, seatwork, group activity at projects, nakakasawa na, eto ang school cycle

Buti nalang may mabuti ring naidudulot ang school sa utak ko pati na rin sa aking puso, korni man pero yan ang totoo

Dahil dito sa school nakilala ko ang babaeng magbibigay ng challenge at kulay sa boring na buhay ko.

Kaya kahit sobrang boring na, pumapasok pa rin ako araw araw, katulad ngayon papsok nanaman ako dahil sa kanya pero papasok nga ako di naman ako mapapansin, kaya araw araw na ginawa ng diyos may dala akong kaokohan para mapansin niya

This time may dala akong ipis pero fake lang naman yun, kadiri kaya pag totoo, kahit ako kikilabutan eh

Bago ako pumasok ng gate ng school chinecheck ko muna mga gamit ko

*notebook , check

*ballpen , check

*papel ? , manghihingi nalang ako, pabigat lang yun

*cell phone, big check

*MP3 , check

At FAKE na ipis ( nasa bulsa ko) check din

After kong icheck lahat pumasok na ko

“Hello manong guard!” naghello ako dun sa guard sa may gate

“Good morning” hello nga tapos good morning naman yung sagot, baliw to ah, pero sanay na ko

Nagtuloy tuloy na ko sa school grounds papunta sa room nang may humarang sakin

“Good morning Drei! “ etong 2 babae nanaman nakakairita ang aga aga

“Excuse me” nagpasintabi ako, baka manuno eh

Wala akong interes sa kanila, dahil hindi sila si Jasmine Gonzales

“Wait lang Drei! “ bakit ba ayaw mo kaming pansinin?!” sabi nung isa

“You’re not my type, so pwede umalis na kayo sa harap ko” ang harsh ko ba? Pero ayoko talaga sa kanila eh

“I hate you Drei! ” tapos nagwalkout yung  isa, automatic naman na sumunod yung isa

Hindi naman sa ayaw ko sa kanila , nagkataon lang na kay Jasmine lang atensyon ko,

 kaya yun lakad sa corridor

“Pare may basketball practice mamaya ha! “ sabi ni Bryan, kabarkada ko yan at saka ka team mate  ko din sa varsity, yeah varsity player ako, galing ko noh! Joke

“Pwede bang di umattend? Tinatamad ako eh” sabi ko

Baliw ka talaga, hindi pwedeng hindi ka pumunta, malapit nay unh final game natin” oo nga pala so wala talaga akong choice kundi pumunta

Your love is my musicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon