Nasa top 1 pa rin ako at guess what yung isa kong bessy may lovelife na naks naman crissa at si faith balita ko may nangliligaw na daw, proud bessy here haha.
Yung balita na tungkol sakin, walang nag bago still on the top yey! Still single yey! :(((( djk lang okay na okay lang sakin na single paako. sa itsura kong to may mag kakagusto pa ba sakin? Ano naman ang mapapala nila sa brace ko, buhok kong parang pinagbuhol buhol, balat kong maputi ng pero mukha naakong may sakit na palaging namumutla na ewan, at higit sa lahat yung mga damit kong pang manang. Hays kahit si mommy parang di ako nag eexist sakanya pero okay lang again andyan naman si daddy eh + besties hehe.
Gusto ko nga pala mameet niyo yung mga besties ko si Crissa Ramirez mukhang mataray lang talaga siya pero ang bait niya although may pagkasarcastic lang talaga mag salita haha but I love her anyways at syempre si Faith Pangilinan siya talaga yung super bait sa barkada at mahinhin haha I love her too.
Ang gaganda nang mga bessy ko tapos ako ang pangit naman pero okay lang din para hindi maraming sakit sa ulo balita ko masakit daw sa ulo pagiging maganda hahahaha.
BINABASA MO ANG
Not your typical kind of girl
Teen FictionSi Gabrielle Ty ay napaka kakaiba na babae siya kasi yung babaeng hindi Ideal girl nang guys o mas madaling sabihin na wala siya sa mga qualities na gusto nang guys sa girls, Siya kasi yung walang paki sa itsura she's just focusing on things na gust...