Love 1

56 4 4
                                    

3 years later.

It's been three years since that incident happen. It's been three years since he pass away. Three years. Three years yet still I love him. Hindi ko siya kayang kalimutan. And above all else, hindi ko siya kayang ipagpalit sa iba. Sabi nga sa kanta. "How can I move on, when I'm still inlove with you?". Napatingin ako sa kalendaryo. Isang buwan nalang at pasukan na naman. Hayy. Buhay nga naman. Halos lahat ng oras mo sa paaralan napupunta. Minsan nga iniisip ko, sa paaralan nalang kaya ako tumira? Tutal araw-araw nadoon naman ako. Dalawang araw na bakasiyon then whole week pupunta ka ulit doon. Paulit-ulit. Pabalik-balik. Nakakapagod na. At gusto ko nang sumuko, pero hindi maari dahil para sa akin iyon. At kung makapagtapos ako ng pag-aaral matutuwa ang parents ko. Katulad nalang ng pag-ibig. Kahit gaano man kasakit, iindahin iyon basta para lang sa minamahal. Ang magsakripisiyo at masaktan. Ang tanggapin ang sakit ng walang pag-aalinlangan. Ito ang pag-ibig.

Tumayo na ako at nag-unat ng katawan. Alas singko palang ng umaga. Masiyadong maaga. Pumunta ako sa drawer at nagpalit. Plano ko kasing magjogging. Siyempre naghilamos muna ako para fresh tingnan. Baka naman may muta ako or what. Nakakahiya yun kapag nakita ng ibang tao. Pagkababa ko, nagulat nalang ako ng gising na ang mama ko. Pati si kuya na abalang kumakain.

"Frances Ellaine Devamonte. 18 years old. 3rd year college BS Accountant. Nag-aaral sa isang public school. Top sa klase at may good attitude. Isa---"

"Ma!! Bakit mo ba sinasabi yan?" Tanong ko sa aking ina. Kung ano-ano sinasabi.

"Wala lang. Hahaha. Oh kain na at magjogging ka na. Tumataba ka na eh." Pagkasabi ni mama yun agad akong napatingin sa katawan ko. Tumaba kaya ako? Hindi naman ah. Kinuha ko na ang baso ko na may laman na kape. Tinimplahan kasi ako ni mama kaya wag na kayong magtaka. Uminom na rin ako.

"Buti pa si kapatid tumataba eh ako? Hustisiya naman nay. Nagpapakahirap ako lumamon wala paring epekto."

*pweee*

Naibuga ko ang aking iniinom nang marinig ko ang sinabi ni kuya. Napatingin ako sa kanya at napatawa kaya naman naging masama ang itsura niya. Sumabay na rin si mama kaya naman mas lalong sumama ang itsura niya pfft.

"Hoy, Franz Edrick Devamonte, kasalanan ko ba na ang payat mo? Aba siyempre hindi. Hindi ko yan katawan. Ikaw bahala humanap sa sarili mong hustisiya." Sigaw ni mama kay kuya kaya naman mas lalo akong napahagalpak sa tawa haha pfft.

Siya ang kapatid kong si Franz Edrick Devamonte. Nakagraduate na siya sa cursong I.T. at may trabaho narin siya pero umuuwi parin siya samin. At konting push nalang daw ay mapropromote na siya bilang programmer. And unfortunately, SINGLE siya. Bakit ba kami ipinanganak na malas sa pag-ibig?

Tinapos ko na ang kinakain ko at nagtooth brush na. Lumabas na ako at nagsimulang magjogging. Nagpaikot-ikot lang ako sa village namin. Siguro mga isang oras ako nagjogging. Nakarating ako sa park kaya naman napagdesisiyonan ko munang umupo at magpahinga. Biglang pumasok sa isip ko yung gabing iyon. Posible kaya? Posible kaya na buhay pa siya? Hindi. Nanaginip lang siguro ako pero iba eh. Iba yung pakiramdam ko nang makita ko yung mukha ng lalaking iyon. Katulad na katulad iyon kapag nakikita ko siya. Si Alex. Pero kahit totoo man iyon o hindi, umaasa parin ako. Umaasa parin ako na baka buhay pa siya. Pero alam kong malabo iyon pero walang mawawala kung aasa ka diba? At least alam mong you had tried. But too much hoping can lead to too much pain. Alam ko na iyon, but I had decided na aasa parin ako. I do believe in miracles.

Tumayo na ako at nagpagdesisiyonan ko nang bumalik sa bahay. Habang paliko ako sa daanan ay may nabangga ako. Nakahood siya at hindi ko kita ang mga mata niya. Hindi siya babae dahil walang buhok na nakalabas sa hood niya. Napaupo kaming dalawa dahil sa lakas ng impact. Tumatakbo kasi ako ng nga panahong iyon. Mabilis na tumayo ang lalaki at inalalayan niya akong tumayo. Noong nakatayo na ako ay nagsimula na siyang maglakad. Hindi ko talaga makita ang buo niyang mukha.

"Salamat." Pagpapasalamat ko sa kanya.

"Walang anuman." At saka niya ipinagpatuloy ang kanyabg paglalakad. Napatigil ako sa aking narinig.

"Walang anuman."

"Walang anuman."

"Walang anuman."

Familiar ang kanyang boses. Parang narinig ko na ito dati pero hindi ko maalala. Hindi ko alam kung saan ko ba siya narinig. Saan ba? Saan ba?

"Oh anak nandiyan ka pala. Pasok na."

Napalingon ako sa nagsalita. Nasa tapat na pala ako ng bahay namin ng hindi ko namamalayan. Oh well, baka naman hindi ko siya kilala kaya hindi ko maalala. Pumasok na ako sa bahay. Hayaan na nga. Hindi ko naman siya kilala.

A/n

Slow update po muna tayo. Hindi ko po talaga alam gumawa ng cover, kung sino man ang may mabuting loob diyan tulungan niyo ako XD. Anyways thanks sa mga nakaabot na rito. Kapit lang guys, malapit na bakasyon XD

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 09, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love And LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon