Pwede ba?(one shot)

95 2 2
                                    

Pwede ba?

Pwede bang hindi na kita maging kaibigan?

__________________________________________________________

Sa tagal nga naman naming magkakilala, hindi pa rin pala nya nararamdaman.

Tangna. Manhid ba to?

Hindi ko sya bestfriend. Nililigawan ko sya.

Oo, ako ang nanliligaw sakanya. Wala akong pakialam sa sasabihin ng iba.

Mahal ko sya at handa akong patunayan sakanya yun.

Kahit na ako ang babae.

Birthday nya ngayon.

Gusto ko sana syang surpresahin.

Bumili ako ng cake saka nagluto ako ng paborito nyang carbonara.

Sana magustuhan nya.

Naalala ko tuloy noong una kong sinabi sakanya na manliligaw ako.

“ AJ, pwede ba kitang ligawan?”sabi ko.

O______________O

“Adik ka ba Cess? Kababae mong tao manliligaw ka ng lalaki?” iritang sabi nya.

“Adik na kung adik, basta liligawan kita ha..:)” sabi ko.

Kaya heto, matapos ang ilang bwan, nanliligaw pa rin ako.

Ilang beses na din akong binasted nyan pero di ako sumusuko.

Sabi nya sakin maging magkaibigan na lang daw kami. Pumayag na rin ako pero parang nanliligaw pa rin.

Tanga na kung tanga. Wala kayong magagawa, mahal ko sya.

Mahal na mahal.

Hindi ko din alam kung bakit pero yun ang nararamdaman ko.

Sana dumating ang araw na mareciprocate din nya ang nararamdaman ko para sakanya.

Sa araw na ito ika-143rd day na ngayon ng panliligaw ko sakanya.

Pag hindi pa nya ako sinagot, titigil na ako.

Hindi naman ako ganun kamasokista.

Saka pakiramdam ko kasi nagkakagusto na sya sa ibang babae.

Huling araw na to.

AJA!

FIGHTING!

Magkikita kami ni AJ ngayon sa likod ng school.

Hinanda ko na yung cake at yung fave nyang carbonara sabay may poster na riin ako na ang nakasulat ay:

“WILL YOU BE MY BOYFRIEND?”

Nakita ko na sya sa may hallway naglalakad.

Ang gwapo talaga ng mahal ko.

Ready na ako. It’s now or never.

Heto na sya.

Nakangiti sakin.

“Hi Cess” sabi nya.

“Ayos ah, may cake at carbonara, anong meron?”

“Birthday mo ano pa ba?” sabi ko.

“Hahaha..Oo nga pala, lika kain na tayo” sabi nya.

“Blow mo muna yung candle mo, saka ka magwish” sabi ko.

Tapos kumanta ako ng “Happy Birthday”

Happy Birthday, Happy birthday….

Happy birthday to you….

Blow your candle.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 01, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Pwede ba?(one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon