1. WALANG KASIGURADUHAN

21 0 0
                                    

First of all, i made this on December 07, 2016.


WALANG KASIGURADUHAN

"Mahal Kita"
Katagang binutawan mo, na di ko alam kung totoo
Mga pangakong napako mo
Paulit-ulit na pagkakamaling nagawa mo

Wala akong ibang ginawa kundi ang paniwalaan ka
Wala akong ibang ginawa kundi bigyan ka ng pagkakataon
Wala akong ibang ginawa kundi ang patawarin ka

Mahal ko, ano ba ang ginawa ko, para gawin mo sa akin ito?

Pagkaisahin mo sana ang iyong mga aksyon at salita
Wag mo naman akong gawing tanga

Oo, mahal kita
Mahal na mahal kita
Pero matanong nga,
Ako'y mahal mo rin nga ba?
Sagutin mo ito
Ng mga salitang totoo
Mga aksyon na nagpapatunay na ito'y husto
Sa akin ito ay patunayan mo
Para sana'y maging kapansin-pansin
Na ang pag-ibig mo ay walang halong biro

Dahil sa mga pinaggagawa mo,
Hari ko, di ko na alam kung totoo ang mga sinasabi mo.
Sabi mo mahal ko ako
Pero nagtataka ako dahil di ko alam kung ito'y may kasiguraduhan o wala.

Kung sana wala itong kasiguraduhan,
Sabihin mo sakin at ika'y papakawalan.
Hindi yung ako'y itong tangang patuloy umaasa na lahat ng sinasabi mo ay may kasiguraduhan.

Patunayan mo.
Patunayan mo.
Pagmamahal mo'y iyong patunayan sa akin mahal ko.

-Asdfg.H 💓

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spoken Word Poetry CompilationWhere stories live. Discover now