When I Fall...

100 3 4
                                    

Hala! Late na naman ako sa work. Tsk!

Ayan na naman ako, nagmamadali sa pag-aayos dahil tanghali na ako nagising.

Kung bakit ba naman kasi yun kapit-bahay namin, wagas lang kung makapag-videoke.

After ng mabilisang pag-aayos, ready na ako pumasok. Wheew! 45mins!

Yan ang routine ko everyday. I'm currently working sa isang Auditing firm sa Makati. Ang byahe ko lang naman everyday? Caloocan-Ayala. Pamatay lang di ba?

Kakagraduate ko lang last March at pumasa ng CPA board exam last October. Hirap ako sa byahe dahil almost 2hours ang byahe ko everyday. Pero dahil gusto ko nga magwork as auditor, no choice ako. Nandun sa Ayala ang mga bigating Auditing firms eh.

Ay naku lang! Pag-dating ko sa LRT Monumento station, blockbuster! Hala, malalate ako nito eh. -__-

Sobrang dami talaga ng tao. Pagdating ng mga trains from Roosevelt, puno na. Paano naman ako niyan makakasakay?

Ayun, limang train na ang dumaan at hindi pa din ako nakakasakay. Mga galit na nga ang tao dahil nasisiksik sila. Ang init pa naman. Sana naman magskip train dito sa Monumento station.

Malapit na ako sa pinto. Ewan ko na lang kapag hindi pa ako makasakay nito.

Yes! Skip train na. Makakaupo pa ako for sure. ^___^

Pagbukas ng pinto. Hala! Suguran ang mga tao. Mga nag-uunahan para makaupo.

At dahil nga sa tulakan at balyahan, eto ako. Nadapa tuloy. T___T

Nakakahiya! Huhuhuhu... Ang malas naman ng araw na ito. Late na nga, nadapa pa.

"Miss, ok ka lang ba?"

Buti may mabait na mama na tumulong sa akin makatayo. Inalalayan niya ako kasi hindi ako makabwelo dahil kahit nadapa na nga ako ay hindi yun nakapigil sa maaksyon na eksena sa LRT.

"Ang sakit eh," daing ko sa lalaking tumulong sa akin.

"Anu ba naman kayo. Wag naman kayo magtulakan. Nadapa tuloy si miss," sigaw ni kuyang mabait.

Sige lang kuya. Ipaglakasan mo pa na nadapa ako. T___T

Ay adik lang. Nagalit pa ako noh? Tinulungan na nga ako ni Kuyang mabait.

Bumitiw na ako kay Kuya.

"Salamat ha?"

Inayos ko yun bag ko. Saka lang ako napatingin kay Kuya.

Nyee! Si Angelo pala yun si Kuya.

"Ikaw pala yan Rose. Naku may masakit ba sa'yo?" Mas lalo sya naging concern nun nalaman niya na ako pala yun tinulungan niya.

"Ah eh.. Ok lang. Medyo lang. Natulak kasi ako."

"Naku dapat dun ikaw sa side ng babae sumasakay para hindi ikaw nababalya ng mga lalaki."

"Ay mas grabe kaya manulak ang mga babae."

"Talaga? Hehe. Oh kamusta ka naman?"

Naconsious naman ako bigla. Hay!

Kung bakit? Well, si Angelo ay EX ko lang naman.

Naghiwalay kami nun 2nd year college ako. Ahead siya sa akin ng 2years.

Sya ang 1st love ko, 1st boyfriend ko. Masaya kami noon. Nagkaproblema lang kami at nagkahiwalay dahil madalas kami mag-away nun graduating na sya. Syempre busy siya sa dami ng requirements. At napaka-immature ko naman nun. Hindi ko naiintindihan kung bakit wala syang panahon para sa akin. At ayun nga, grumaduate sya na hindi kami nag-kaayos. After nun, wala ng communication. In short, naghiwalay kami ng may samaan ng loob.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 24, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When I Fall...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon