Bestfriends

33 2 1
                                    

"Ano?! Upakan nalang?!" panghahamon ko dito sa Gangster kuno.

"Crissy. Tama na. Wag mo nang patulan 'yan" biglang salita ng nasa side ko.

Napalingon ako sakanya.

My Bestfriend.

~~

"Oh? Ano? Iyakan nalang?" yamot na sabi sa'kin ni Mina.

"Tumigil ka nga. Mauna ka na dun. Tsk!" sagot ko sakanya.

"Iyak pa moreeee~" pahabol niya pero di ko nalang pinatulan. Itinuon ko muli ang atensyon ko sa hawak kong picture frame.

Shin Ji...
Kung hindi ba ako natakot noon, tayo na ba ngayon?
Kung hindi kita inayawan, kasama pa ba kita ngayon?
Kung sinabi ko ba yung totoong nararamdaman ko para sa'yo, hindi mo ba ako iiwasan?

"Gusto kita, Crissy. Gusto kita."

Mga katagang sinabi mo sa'kin.

Ano nga ulit response ko?

"Shin, may gusto akong iba."

Odiba, ang bongga. Natakot lang naman kasi ako eh.

Natakot ako na, pag magiging tayo, baka magsawa ka rin sa'kin

Where as kung bestfriends lang, Kahit mangulangot ako sa harap mo, eh walang turn off, turn off.

Kung bestfriends lang, walang break up na magaganap.

Walang iwasan na mangyayari.

Pero bakit ganun?

Anong nangyari?

Tanga mo rin kasi Crissy, eh. Kung di mo nirasong may mahal kang iba, di sya lalayo.

Ano bang pumasok sa kukote ko?!

Ngayon.

Nakikita kitang may kasamang iba.

Ang saya mong tingnan.

Pero bat ganun?

Bat ako nasasaktan?

Kainis ka naman, Shin eh.

Sabi mo, walang iwanan?

Sabi mo pakners in crime tayo? 

Pero di naman kita masisisi eh.

Ako ang may mali.

Ako ang nagtulak sa iyo palayo,

Pero tamo ako ngayon, isang balde ang iniiyak?

Pwede bang bumalik sa dati?

Yung Shin Ji kong tagapigil pagnadadawit ako sa suntukan? 

May aamin rin sana ako.

Gus-----

"Anong iniiyak-iyak mo dyan?" biglang salita ng na sa side ko.

Napalingon ako sakanya.

"San yung Crissy na nanghahamon ng upakan sa mga lalaki?!"

"Shi-n J-ji?"

"Ako nga. Anyare sa'yo? Bakit ka umiiyak? Upakan ko na ba?"

"Kaya mo bang suntukin sarili mo?" tanong ko sakanya

"H-huh?"

"Kainis kang intsik ka! Alam mo bang gusto rin kita?! Bat ka umiwas?! Napaka mo talaga! Gusto kita,  narinig ko 'yon?!" Sabi ko sabay hapas sakanya.

"Crissy..." napatingin ako sakanya.

Nakangiti siya.

"Matagal na kitang gusto! Hindi totoo yung may iba akong mahal eklabu!" pagtuloy ko sa sinasabi ko

"Gusto rin kita ,Crissy. Kahit ilang kilometro pa ang layo ng pag-iwas ko sa'yo, nasayo parin ang puso ko."

"Ang korni mo?" sabi ko sakanya.

"Ah ganon ha?" sabi niya nama'y tonong panghahamon.

"YAAAAA!" sigaw ko at tumakbo palayo.

-END-

BestfriendsWhere stories live. Discover now