Akala ko ito na. Ang simula ng malafairytale nating istorya.
Akala ko ito na, ang fairtytale na magtatapos sa "they live happily ever after" nila. Akala ko ikaw na, ikaw na ang makakasama ko hanggang sa pagtanda.
Akala ko tayo na, tayo na ang magpapatunay na may forever talaga.
Pero lahat ng yon ay akala lang pala.
Dahil lahat ng yon ay magtatapos sa salitang "tama na"
Ang umpisa natin ay talagang masaya.
Araw-araw, gabi-gabi puro saya lang ang nadarama.
Nahulog nako, ngunit lalo pang nahuhulog at pakiramdam ko'y may ihuhulog pa nga.
Sa bawat ngiti, tawa at paghirit mo ay kapalit ng saya na makikita naman talaga sa aking mukha.
Na walang nagbabago sa pagmamahal ko sayo kahit pa araw-araw magkasama tayong dalawa. "Walang sawaan" ika nga.
Na para bang kinuha mo ang mga bituin sa langit at inilagay ito sa iyong mga mata dahil sa pagkislap nito tuwing makikita kita.
Sa bawat yakap at halik mo, mga paro-paro sa aking tyan ay nagwawala na.
Na para bang ako'y isang saranggola at ikaw ang hangin na syang tumatangay sakin upang lumipad pa.
Tinuring mo akong isang antigong bagay dahil pinaramdam mong sobra akong mahalaga.
Ang umpisa natin ay talagang masaya.
Hindi ko alam kung kelan, ano, bakit at paanong nangyari, bigla na lang nagbago ang lahat. Sinabi mong hindi pa ako sapat. Sinabi mong may mga bagay kang hinahanap na sakin ay hindi mo matagpuan.
Ang makulay nating relasyon ay napalitan ng isang repleksyon. Repleksyon ng isang larawang walang kulay at sigla. Mula sa bahaghari ay naging itim na.
Unti-unting nabubura ang mga ngiti sa mukha nating dalawa.
Ang pagmamahalan natin ay parang isang malinis at puting papel na nagiging itim sapagkat ito'y nasusunog, pagkapos ay magiging abo na.
Parang isang mahika na sobra akong napaniwala pero nakita ko ang totoo na may daya pala.
Na kung kelan malalim na ang aking pagkakahulog, at ang lubid na tanging kinakapitan ko upang hindi tuluyang bumagsak ay pinutol mo na.
Sa pagbagsak ko ng tuluyan, doon ako nasaktan ng lubusan
Na hindi kona alam kung paano pa umahon, dahil sa tinatangay nako ng malalakas na alon.
Nawawala na ang kislap sayong mga mata kasabay ng pagkawala ng bituin na nagsisilbing senyales na ang ulan ay paparating na.
Ang ulan ay dumating nga at sa akin napunta. Ang ulan na walang tigil sa pagpatak at humihinto lang kapag ang aking mata'y ipipikit na. Ngunit sa pagdilat ko't naaalala kita, eto na naman ang mga ulan na tila'y magiging bagyo pa nga.
Walang hinto, ginugulo buong magdamag ko. Araw-araw, gabi-gabi walang hinto pa rin talaga. Hanggang sa unti-unting humina ang mga patak at tuluyang nawala na.
Nawala nga ang bagyo ngunit nagiwan naman ng napakalaking pinsala.
Ang umpisa natin ay talagang masaya.
Hindi ko alam kung kelan, ano, bakit at paanong nangyari, mula sa pagbabago hanggang sa tuluyang nawala na.
Ang akala kong relasyon nating magiging isang fairytale, ay magiging isang bangungot na lang pala. Ang akala kong magiging dulo ay "they live happily ever after"ay mawawala pala at "The End" na lang bigla. Ang akala kong tayo talaga, ay isang malaking akala lang pala.
Dahil sinabi mo ang salitang "tama na" nung tinanong kita kung "pwede paba?"
Sinabi mo ang salitang "tama na" nung sinabi kong "mahal kita"
Mas lalo akong nadurog nung sinabi mong tama na dahil may iba kana pala.
At doon ko napagtanto ang lahat.
Ang pagaalinlangang nasulyapan ko sa mga mata mo nung mga panahong magkasama tayo, ay hindi ko pinansin sa buong pagaakalang mahal mo ako.
Ang kakaibang pakiramdam sa bawat yakap at halik mo na para bang may gusto kang sabihin ngunit may pumipigil lang sayo. Na sa bawat pagtitig mo sa akin ay parang may gusto kang ipahiwatig na hindi lang mabigkas ng iyong bibig.
Simula pa lang halata kona, ngunit nagbubulag-bulagan ako sa sayang nararamdamang ko tuwing kasama kita.
Sinuksok ko sa isang sulok ang lahat ng aking napansin na parang isang sikretong ayokong mabuking.
Na baka ang hangin mo ay magiba ng direksyon at ako na isang saranggola ay bumagsak na.
Tinuring mo nga akong isang antigong bagay na sobrang mahalaga, ngunit hindi mo na kakailanganin pa.
Ang umpisa natin ay talagang masaya.
Nadudurog ang puso ko sa pagiisip na may iba kana. Pero mas nadudurog ito nang sa bibig mo mismo nagmula.
Alam ko naman ang pagakakaiba ng mali sa tama.
Mali na ipaglaban pa kita at tama na magparaya na.
Dahil kung ipagpapatuloy ko pa ang kahibangang ito ay mas masasaktan lang tayo pareho.
Ayoko ng magbulag-bulagan pa at ayoko ng maging makasarili pa.
Kaya mahal, gaano man kasakit para sa akin. Hanggang sa huling pagkakataon, gusto kong sa bibig ko mismo manggaling. Ang mga katagang ito ay aking sasabihin.
"Mahal na mahal kita. Pero tama ka, tama na nga"