Eleven.

2 1 0
                                    

Nagising ako sa sinag araw. Kahit kelan talaga panira ng gising 'to. Joke! Tumayo na ako at dumeretso sa banyo para maligo. Since sunday ngayon nagyaya sila Mommy na magsimba. Jumper Dress at Long Sleeve Shirt lang ako at tsaka ko tinernuhan ng White Sneakers. Pagka kuna ko ng phone ko sa bedside table tinignan ko 'to at may 28 missed calls and 33 unread messages. Di ko na yun pinansin at bumaba na ako.

"Morning Ma!" Bati ko.

"Oh, Okay na pala lahat eh. Shall we?" Sabi ni Mom at sabay-sabay na kami lumabas ng bahay.

As usual sa may bintana ang pwesto ko at inilagay ko na yung earphone ko. Shinorcut ko yung pagbukas ko sa music para di ko mabuksan yung mga missed calls and unread messages. Ewan ko kung bakit. Wala pang 30mins nakarating na kami ng simbahan.

"Mrs. Quesada?" Nandito din sila? Okay.

"Ohh Mrs. Cliffton, Nice to see you again" Nagbeso sila sa isa't-isa. Kahit kelan talaga masyado silang formal magusap. Lumapit din ako kala tita at tinggal ang earphone ko bago maki beso.

"Hey" Si Ky yun alam ko. Binalik ko na lang yung earphone ko.

Sabay sabay kami pumasok ng simbahan. Bale tabi-tabi na kaming lahat sa isang upuan nila Tita. Tumabi saakin si Ky at siniko ako ng mahina pero di ko parin sya pinansin. Bigla naman pumagitna saamin si kuya and that was a good thing.

"Nasa simbahan tayo babygirl." Bulong ni kuya saakin at narinig ko naman yun dahil di naman talaga ganun kalakasan yung tugtog ko. Agad kong inalis yun at nilagay sa shoulder bag ko.

Nagumpisa na yung misa at hanggang sa natapos ito, okay naman ang lahat.

"How about let's all eat together outside now?" Yaya ni Tita.

"Nice idea Sis." Pagsang-ayon ni Mom.

"Shall we?" Yaya naman ni Tito. Sumakay na sila sa sasakyan habang kami naman naka convoy sakanila. Sa HapChan ang napagusapang kakainan.

Nagkanya kanya na kaming upo, Circle yung table namin.

Seat Plan

Dad. - Mom.

Kuya. ------------ Ate.

Ako. ------------ Kyle.

Tito. - Tita.

{Paki intindi nalang po}

So ayun, naghintay pa kami ng ilang minuto bago dumating yung order namin.

Kumuha ako ng Rice at Tatlong Shanghai. MahFav. Yun na muna nakakahiya kung pagsasabay sabayin ko. Hihi. Napatingin ako ng wala sa nais kay Kyle at nakita ko syang ganun ang kinuha, Rice tsaka tatlong shanghai. Tumingin naman sya saakin bigla at ningitian lang ako na sya namang tinarayan ko.

Habang kumakain nagkukwentuhan sila Mommy at Tita minsan sumasali sila Daddy at Tito, as usual About business ang topic nila pero minsan napapasok naman nila yung mga personal life.

Kumuha ulit ako ng makakain, rice and chicken naman ngayon at dalawang shanghai. I can't help it, favorite ko eh. Tapos umikot na ukit yung table sa gitna at nakita ko namang kumuha ulit si kyle ng katulad ng mga kinuha ko kaya nang magtama ulit yung mata namin tinarayan ko ulit sya. Ano bang ginagawa nya? Ginagaya nya ba talaga ako? Para ano, para asarin? O assuming lang ulit ako. Hayyy

"...and seems like mas close na ngayon sila Maurisse at Kyle." Sambit ni Tita.

Pasubo palang ako ng isang kutsara pero natigilan yun dahil sa sinabi ni Tita, muntik ko pa nga mahulog yung kutsara eh buti nalang napigilan ko sarili ko. Napatingin ako kay Kyle at mukhang nagulat din sya kasi naka steady lang sya na parang ewan. Ngumiti nalang ako kay tita at kumain ulit.

Once Upon A SummerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon