Haist. Kakarating lang ng bahay. Nakakapagod talagang mag-aral nuh? Pero kinakailangan para sa aking kinabukasan. At saka hindi naman ako nabuburyong pag nasa school na ako ee. Araw-araw ko naman kasing nakikita si crush <3. Oh diba? Iba ang dating sa akin ni crush ee. Kahit pa may sakit ako kayang kaya niya akong paaralin kahit hindi niya pa sinasabi sakin.
Teka nga muna, nagpakilala na ba ako? Hindi pa pala, hehe. By the way, I am Rhianna Jazztin Jane Alvarez, simple, mabait, matulungin, masayahin at pranka. Ako yung tipo ng kaibigan na pwedeng lapitan kahit may problema ka pa o masaya ka pa. 18 years of age and recently taking the Bachelor of Science in Civil Engineering, 2nd year college. Iba talaga pag Math ang pinag-uusapan ee, NAPAKAGULO, NAPAKAHIRAP at NAPAPASAKIT niya ang ulo ko sa tingin pa lang. Hehe.
Hindi naman yan ang ating pag-uusapan ee. Yung crush ko, gusto niyo bang kilalanin yun? Siya ang nag-iisa dito sa puso ko. Yung tipong for almost how many years ay crush ko pa rin siya. Ganoon ako kaadik sa kanya, hindi nga lang halata kasi hindi ko ganoon kung ipahalata.
Yousef Isaiah Fontanilla, my one and only crush. Lalaking manhid, cold, masungit, palaaway at higit sa lahat, GWAPO @_@. Hohohohoho. Mag-diwang ang lahat ng mahilig sa gwapo. Kahit naman kasi marami siyang negative attitudes o di naman kaya, lahat ng meron sakanya ay negative bukod sa GWAPO siya, nagustuhan ko pa rin siya. And until now, I’m still liking him, or shall I say, I’m eventually loving him.
Maraming nagkakagusto sa kanya kaya himala na lang talaga kung mapapansin niya pa ako. Masaya naman ako kahit hindi niya ako magugustuhan, marami pa naman akong mga kaibigan na nagmamahal sa akin. I don’t feel any pity for myself if he can’t return the same feelings I have for him. I’m bounded to a very wonderful circle of friends, different attitudes but still, they love me as much as I love them.
Lalong-lalo na yung si Mont Carlo Yap. Napaka-opposite namin pero kami yung pinakaopen sa problema ng isa’t isa at close na close sa pakikipagpalagayan ng loob. Minsan na nga kaming nagkatabi sa bed ng kami lang dalawa, ang resulta, napakasikip at hindi na kami gaano makakilos dahil maliit lang yung bed ee. Haha, epic fail xD.
Eto namang si Carmela Nips Bautista, ang babaeng napakadaling madulas pagdating sa mga sikreto. Ever supportive yan pagdating sa mga activities dahil sa kanyang talent. Siya rin ang nag-iisang maganda sa barkada namin, dahil hindi naman ako maganda. Maraming nagkakagusto sa kanya kahit napakasuplada niya at maraming beses nang may nag-surprise gift sa kanya sa department namin, ang swerte niya noh.
Vincent Ryle Lopez. Napakagaling sumayaw at napakabait. Ang laging hiling niya lang naman, ay ang magustuhan din siya ng babaeng gusto niya. Pero sa kasamaang palad, hindi yun ang babaeng napunta sa kanya. Dahil ang napunta sa kanya ay walang kahirap-hirap niyang nakamit dahil sa easy to get si girl ee. All throughout he courted the girl until they became lovers were all a trip and till now, he’s not taking the girl seriously. I’ll pray for the girl, I promise. Hahaha. I hate easy to get girls.
Ang pinakakalog sa aming lahat na si Jan Mikael Lloyd Florentine. Pinakamatanda rin sa amin yan pero di lang halata. Maraming nagsasabi na “BISEXUAL” daw siya pero hindi naman ata sa tingin namin. Siya ang pinakagwapo sa mga lalaki sa barkada namin. Kalog siya dahil kahit ano pang mangyari pag kasama namin siya ay puno ng katatawanan. Same as Mont Carlo Yap, sobra sila kung magtawanan pero pag may problema parang walang buhay. Nakakaapekto yun mga baiiee.
Meron din kaming kaibigan na super duper mahilig sa flings, si Edzraffi Sebastian. Mahilig siya sa flings dahil kahit may gf na siya ay nakikipag-one night stand pa rin siya sa mga first met girls niya na pinapakilalala lng sa kanya. Hahahaha. Hindi na bago sa amin ang ganyang ugali niya, though hindi na namin siya gaano nakakasama ay kami pa rin ang nilalapitan niya pag may problema siya. Pag determined siya sa isang bagay ay gagawin niya talaga ang lahat para makamit yun. Iba magkagusto yan ee, TODONG-TODO. Waah. Burn.
Higit sa lahat, ang isip bata naming kaibigan na si Anne Fretch Mie Ignacio. Hindi naman siya ang pinakabata sa amin pero siya lang yung di pa ganoon ka-mature kung mag-isip. Nung una ay hindi namin siya masyadong makasundo dahil nga sa iba ibang grupo pa yung pinagmulan namin. Pero sa ngayon, okay na ang lahat at tanggap na rin namin ang ugali niya kahit pa may masakit kaming pinagdaanan, mas naging solid naman kami.
Kami yung magkakabarkadang hindi man nagsimula ng sama-sama dahil sa may iba’t ibang grupo kaming pinagmulan ay kami pa rin naman ang magsasama hanggang sa huli. Wala man kaming anniversary ay hindi pa rin naman nawawala ang mga outing para magkasama kami minsan, na labas pa sa pag-aaral ang concern namin. Eto yung sinasabi nilang SOLID, walang iwanan kahit may traydoran kung minsan at walang limutan kahit hindi laging magkasama.
Iba-iba man ang ugaling meron sa amin, ay hindi maitatatuwang pag magkasama kami ay iisa lang ang hangarin namin, ang TUMAWA ng parang wala nang bukas.
-----------
Napatagal ang pag-update. Super-duper busy rin kasi. Bukod sa may sinalihan akong org. malapit na rin ang Midterm exam namin. Goodluck 2 BS Civil Engineering section B. Tulungan tayo hah. hahaha. Sana dumami reads ko.
First story here in wattpad. Goodluck to me :-)
BINABASA MO ANG
Ikaw Lang...
Teen FictionIt's a story about a girl who seems to see her self as an unlucky girl. She never appreciated what's good in waking up everyday after a very tiring day she had. Maybe because of so many frustrations and failed relationships despite of being young, s...