#1...A Beautiful Mind

1.5K 18 5
                                    

Cast:

Vice Ganda as Jomar

Karylle as Ana

Liz Uy as herself

Tatlonghari Family as themselves

___________________________________________________________

                                                                 

Hinihintay ni Jomar ang pagdating ni Ana, ang kanyang minamahal na kasintahan. Magrereview kasi sila para sa darating na board exam for accountancy next week. Nakahanda na ang study table niya na may dalawang upuan para sa kanila. Nang may kumatok sa pinto ay naging aligaga siya at nagmadaling buksan ito. Pero sa halip na si Ana ang dumating ay tumambad ang malanding si Liz, isa pa niyang jowa. Nagulat siya kaya hinila niya ito papasok at sinara ang pinto.

Jomar: Anong ginagawa mo dito?! Di ba dapat bukas pa ang pagdating mo?

Liz: Oo.. pero excited kasi akong makita ka. Di na ako mapakali kaya pinuntahan na kita.

Jomar: Pero alam mo naman ang schedule di ba? Nakalimutan mo na bang darating dito si Ana?!

Liz: Alam ko. Pero mabuti na kasi na tapusin niyo na ang kalokohang ito at ipaalam na sa kanya ang totoo. Di mo ba man lang ako na-miss?

Jomar: Alam mo Liz, umalis ka na bago pa-

Hindi na pinatapos ni Liz si Jomar sa pagsasalita. Hinawakan niya ang batok nito ay agad na hinalikan. Pero bigla namang bumukas ang pinto na siyang nagpatigil sa ginagawa ng dalawa. "Jomar?-" Dumating na si Ana na may dalang mga libro. Tinulak ni Jomar palayo sa kanya si Liz habang nakatingin kay Ana.

Jomar: A----Ana .. magpapaliwanag ako ..

Hindi na nakayanan ni Ana na itago ang mga luha niya. Tears started to fall from her eyes. Nabitawan pa niya ang mga librong kanyang dala.

Ana: Si.. sino siya?

Liz: I'm Liz, ang tunay na girlfriend ni Jomar. Ano, akala mo siguro mahal ka niya. Pwes sinasabi ko sa'yo hindi. Niligawan ka lang niya para matulungan mo siyang makapasa sa college. Akala ko pa man din matalino ka, boba ka naman pala! How come you didn't noticed it? Oh by the way, best actor ka pala Jomar.

Jomar: Liz! Tama na!

Liz: Bakit?! Eh totoo naman eh! Matagal nang tayo Jomar bago pa dumating ang bobang yan! We've been together for four years! At ikaw babae, tapos na ang trabaho mo kaya kung pwede lang umalis ka na at layuan mo na ang labidabs ko!

Masyado namang nasaktan si Ana sa kanyang mga narinig. Humahagulgol na siya sa pag-iyak. Lalapitan na sana siya ni Jomar kaso pinigilan naman ito ni Liz. She decided to leave but before she do that, ...

Ana: Mga walang hiya kayo! Akala ko pa man din mabuti kang tao, na nagbago ka na nga Jomar. Pero hindi pala! Napakakapal ng mukha mo!

Berry Bits || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon