Cast:
Jose Marie Viceral as Lester Sabroso / Lavinia
Ana Karylle Yuzon as Kylie Alferos / Keith
Rosario Viceral as Rebecca Sabroso
Modesto Tatlonghari as Mateo Alferos
Zsazsa Padilla as Zabel Alferos
Buern Rodriguez as Bernardo / Bernice
Nicole Quizon as Nadya
Vhong Navarro as himself
Anne Curtis as herself
Billy Crawford as himself
____________________________________________________________
Year 2000
Sa probinsya ng Nueva Ecija, may isang masayang mag-asawa na matagal nang nagsasama at patuloy na nagmamahalan. Sila ay biniyayaan ng limang supling na naging matagumpay naman sa kani-kanilang propesyon. Nagkahiwa-hiwalay man sila dahil sa pagkakaroon ng mga ito ng sariling pamilya, hindi pa rin naman nila nakakaligtaang dalawin sa kanilang bayang kinalakihan ang pinakamamahal nilang mga magulang. At ang mahalaga para sa mag-asawa ngayon ay lahat ng anak nila ang tumupad sa kanilang hiling na magkaroon ng mga apo.
Kakagaling lang ng magpipinsang sina Anne, Vhong, at Billy sa isang palaruan kasama ang kanilang mga batang kalaro na kapitbahay ng kanilang lolo't lola. Silang tatlo pa lang naman ang nakakadalaw sa matatanda dahil sa hindi pa nakakapagbakasyon ang iba nilang pinsan. Ang mga magulang naman nila ay nasa syudad pa rin dahil may inaasikaso pang trabaho. Ang kanilang lola naman ay may pinuntahan sa bayan at magagabihan pa ng uwi. Kaya naman ang tanging kasama nila sa bahay sa ngayon ay ang kanilang lolo.
Nadatnan nilang nakaupo lang ito sa tumba-tumba na nasa labas ng kanilang munting bahay at matiyagang naghihintay sa kanilang pagbabalik dahil hapon na't malapit nang kumagat ang dilim. Masaya silang lumapit at nag-unahan para magmano dito.
Billy: (nauna sa karera) Hello po lolo! Mano po!
Vhong: (pumangalawa kay Billy) Ang daya nauna na naman si Billy. Mano po lolo!
Anne: (nahuli, hinihingal) Lolo, mano po. I miss you na po kahit ilang oras lang kami naglaro. (tumingin sa mga pinsan) Makakabawi rin ako bukas! (tinawanan lang naman siya ng dalawa)
Lolo: Kayong mga apo ko talaga. Itigil niyo na 'yan. Kamusta naman ang araw niyo kasama ang ibang mga bata?
Anne: Okay lang naman po lolo, ang saya nga po ngayon eh!
Billy: Sayang nga po wala pa sina Eric, Teddy, Coleen at iba pa para makapaglaro rin kaming lahat.
Vhong: Oo nga po lolo. Bukas dito kami maglalaro para makita niyo po ang ginagawa namin.
Lolo: Maganda kung ganun. Nag-enjoy naman ba kayo sa paglalaro?
Billy: Syempre naman po! Eh kayo po lolo, mag-isa lang kayo dito buong maghapon. Pero huwag ka na pong mag-alala lolo kahit wala pa po si lola, andito naman po kami. (niyakap nila ang kanilang lolo)
BINABASA MO ANG
Berry Bits || ViceRylle
FanfictionA collection of one-shots and short stories. ❤ ~*~ #RandomThoughts