CHAPTER 2: Meet Again

9 0 0
                                    

Ilang araw na ang lumipas mula ng mangyare ang protesta ng mga manggagawa sa labas ng kaniyang building. Nasa opisina siya at nagbabasa ng dokumento na kailangan mapirmahan ng tumunog ang telephone sa tabi niya.

"Why?" alam niya na ang sekretarya ito. Wala siyang alam na dahilan kung bakit ito napatawag dahil wala siyang inaasahan na appointment ng mga oras na iyon.

"Ma'am nasa baba po ang anak ng lider ng factory ng sabon at gusto kayong makausap. Wala daw po siyang balak na umalis hanggat hindi niyo siya hinaharap. Hindi din po mapigil ng mga gwardya." anito sa kabilang linya.

Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita. "Okay, papasukin mo dito." ayon lang at ibinaba na niya iyon.

Makalipas ang ilang minuto ay kumatok na si Grace at pumasok kasama ang anak ng lider ng hindi niya tinitingnan ang pinto dahil busy siya sa mga papel na kailangan lagdaan.

"Ma'am narito na po siya."ani Grace at tango lang ang sagot niya ng hindi parin nagtataas ng tingin. Lumabas na ng opisina niya.

"You may sit." aniya dito ngunit hindi ito umupo at nang magtaas siya ng mata nakita niya na lalaki pala ito.

Natulala siya dito dahil pakiramdam niya ay nagkita na sila noon ngunit hindi niya matandaan kung saan. Gwapo ito, matangkad at may magandang pangangatawan na mistulang isang modelo ng sikat na brand ng damit o underwear. Tumikhim ito ng makita ang reaksyon niya dahilan para bumalik siya sa reyalidad at ikinamula ng mukha niya dahil sa pagkapahiya sa unang pagkakataon.

"What do you need?" aniya dito para maibalik ang postura.

"Dahil sayo kaya nasa ospital ang ama ko at nahihirapan ngayon!" anito at halata ang galit sa mga salita at mata nito na nakakatingin sa kanya.

"What do you mean?" naguguluhang tanong niya dito at tumayo para magkapantay sila ngunit kahit na mataas ang takong ng sapatos niya di hamak na mas matangkad parin ito sa kanya. Nakipagtitigan siya dito na ikinabilis ng tibok ng puso niya.

"Nung araw na magprotesta sila inatake siya sa puso at ngayon kailangan daw maoperahan sa lalong madaling panahon. Kaya ako narito ay para kunin ang natitirang sahod ng ama ko na pinagdamutan niyo at ng mga kasama nito!" anito.

"Kasalanan nila iyon." aniya dito ngunit lalo lamang niya ginalit ito.

"Ikaw at ang kasakiman mo ang may kasalanan!" anito at dinuro siya. Labis siyang nasaktan sa mga sinabi nito gayong wala lang dapat iyon sa kanya."Nagpakahirap sila magtrabaho sayo sa maraming taon pero ganito pa ang igaganti mo sa kanila! Wala kang puso!" anito.

"Sorry."aniya na ikinagulat niya kung paano niya nabigkas ang katagang iyon. Kahit kailan hindi siya humingi ng paumanhin kahit kanino ngunit itong taong to nagawa niya dito."Ako na ang bahala pampaopera ng ama mo."aniya dito na ikinagulat nito.

"Totoo ba yang sinasabi mo?"anito

Tango lamang ang nasagot niya dito dahil baka kapag ibinuka na naman niya ang kanyang bibig kung ano na naman masabi niya.

"Aasahan ko yan sinabi mo." ayon lang at lumabas na ito habang siya tulala parin habang tinitingnan ang paglabas nito.

Wala sa loob na napaupo siya sa kanyang upuan at natutulala parin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

You're All I WantWhere stories live. Discover now