Chapter 2.1 - Claire + Albert

52 8 0
                                    

II

Hindi ako makapaniwala na gagamitin ko itong muli sa loob ng dalawang taon. Sana this time, hindi ko 'to pagsisihan. Hindi ko alam kung ano ang magiging bunga nang ginawa ko. Pero alam ko.. na magkausap sila kagabi. Iyon ang magsisilbing hudyat nang pagaayos nilang dalawa.

"Felice, Angyare? Ang saya niya oh." 

"Ah ewan. Baka lutang? Dala ng ulan kagabi?"

"So? anong konek nun?"

Hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko tuwing naiisip ko ang mga magulang ko. Simula ngayong araw, alam kong magiging maayos na ang lahat. Wala nang Fred at Sarah ang mangugulo sa amin ngayon. 

"HAHAHAHA!" 

"Shit, nababaliw na siya! Ano ba number ng mental Hospital? Tanga, tawagan mo na!"

"Shut up Zarth!"

*Telephone rings*

"Oh," I went back to my senses nung narinig kong nag-ring ang telepono. Kung saan saan na nakarating ang utak ko.

Lumapit ako sa side table para sagutin ang telepono pero bigla akong inunahan ni Zarth. "Wag ikaw, bangag ka eh."

Hindi ko na siya pinansin pero hindi ako umalis sa tabi niya. Malakas ang pakiramdam ko na si Mommy ang tumawag sa amin. Maybe...  she will tells us what happened last night.

"Hello? Hi mom... " Sinasabi ko na nga ba. 

"What?! So? Magkasama kayo ni Dad kagabi? WOY AH ANONG GINAWA NIYO!" Hindi namin napagilang natawa ni Felice sa reaction ni Zarth, pilyo talaga 'tong kapatid ko. 

"Ah eh..sorry mom. Sige.  sige. Yeah yeah. Same. Ok. Bye." Binaba niya ang telepono, at tumingin sa amin.

"Ano sabi?" said Felice

"Wala, nangamusta lang. Take care, I love you daw.'

"Ah, ano yung narinig kong magkasama kagabi?" 

"They got stuck in the rain last night," Ngumiti siya ng nakakaloko.  'Magkasama sila! There is a possibility that they talk about some certain things. Mahal na mahal ko na talaga yung ulan, wala na ngang pasok, ayun pa yung reason para naging magkasama sila, There's still a chance right? Magkakabalikan sila," He's right. of course I planned it, kaya alam ko.

Ngumiti ng matipid si Felice "Sana nga, Im not being negative pero ano naman kung magasama sila? I doesn't mean na okay na sila noh and it doesn't change the fact that they already love someone else. Mom has Fred and Dad has Sarah already. "

Hindi maiwasan ni Zarth na mapa sang ayon sa sinabi ni Felice. Ako naman, hindi na ako kumontra. I just give them a smile and said "yes it is."

They just shrug and gave me a confused look to what I've said. Maybe I look weird right now, wala naman silang alam sa nagyayari. It's just me

Umalis na lang ako sa harapan nila at pumasok sa kwarto ko daladala ang kwadarnong naging solusyon sa problema namin. I'll be very careful this time.

_

Claire's POV

Nandito ako sa lugar na dahilan kung bakit wala ako lagi sa bahay. Lugar na may apat na sulok na ayaw ko talagang puntahan.

Ilang araw na ang nagdaan ng tuluyan kaming magkahiwalay ni Albert. Hindi ko alam pero pakiramdam ko unti unti akong nagsisi sa ginawa ko, kung sinabi ko kaya sa 'kanya ang totoong dahilan, magkasama pa rin kaya kami? Kung hindi ako nagpaka busy at nagkulang ng oras sa 'kanya, mahal niya pa kaya ako ngayon?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 06, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Note: The Second ManipulatorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon