Ang BATTERY ng buhay ko

56 2 0
                                    

Ang Baterya ng buhay ko (One Shot)

Ako si Maganda, maganda ako, talented, may karisma, nasa akin na nga daw ang lahat eh, maliban sa isang bagay: TALINO

Ako naman si Matalino, pwede daw akong scientist sa angking katalinuhan ko, talented din ako, halos walang di kayang gawin, nasa akin na din ang lahat, maliban sa isang bagay: KA-GWAPUHAN

**MAGANDA

Si Matalino ang crush ko. Grade 5 pa lang kami, Section 1 siya at ako naman ay Section 2.

Umaga ang klase nila at hapon naman ang sa amin, iisang room lang ang ginagamit nila at ginagamit namin. Yung upuan niya sa umaga ay upuan ko kapag hapon. Bathala kasi ang apelyido niya, samantalang ako ay Batumbakal, parehong nagsisimula sa Letter B.

Bago pa matapos ang klase nila Matalino, ay pumipila na kami sa hallway kung saan katapat ito ng room nila kaya nakikita ko siya.

Ang galing talaga niya. Ang sipag mag-recite. Kaya niyang bigyan ng reason at further explanations ang mga sinasabi niya na sinasang-ayunan naman ng lahat.

Minsan, isang araw, nawala ang ID ko. Kinakabahan ako dahil “no id, no entry” pa naman sa school.

Mabuti na lamang ay walang guard noong pagdating ko sa school, umihi siguro.

Dali-dali akong tumakbo paakyat sa 2nd floor.

Pumunta na ako sa pila at inilapag ang bag ko. Kinuha ko yung libro na hiniram ko sa kaklase ko, mahilig kasi ako magbasa ng mga istorya at kung anu-ano pero hindi ko alam kung bakit sa kabila nun ay BOBO pa rin ako.

Uupo na sana ako para simulan ang pagbabasa ng aklat nang may biglang dumungaw sa pinto at nagsalita:

“Excuse me miss, ikaw ba yung nawawalan ng ID?” Pagtingin ko ay nagulat pa ako

Si Matalino. Kinakausap niya ako?

“Ah opo? Bakit po? Ikaw po ba ang naka-pulot?” sabi ko

“Oo eh. Eto oh!” Pagtapos niyang iabot sa akin ay magpapasalamat pa sana ako pero bigla na siyang umalis kaya hindi ko na nagawa.

Iyon na ang una at huling pagtataon na nakausap ko siya. Hindi na naulit. Hindi nagkakaroon ng pagkakataon dahil busy na tao siya. Halos lahat ng organization sa school namin ay kasali siya kaya wala talagang panahon para makipag-kwentuhan ang katulad niya.

Lumipas ang panahon at graduate na kami ng Elementary, syempre siya ang Valedictorian namin sino pa ba ang dapat?

 Pagdating namin ng High School ay ganoon pa rin. Langit siya, lupa ako. Matalino siya, bobo ako. Section 1 siya, Section 2 ako.

Pinanunuod ko siya sa malayo at nasa sulok lang ako.

Pero hindi pa rin nagbabago ang tingin ko sa kanya. Siya pa rin si Matalino na hinahangaan ko mula pa noong Elementary kami.

Ang Moreno niyang kulay, mapupungay na mga mata, at matangos na ilong.

Hindi mahilig sa maitim ang mga babae dahilan kaya walang nakaka-pansin sa kanya bukod sa akin.

Inspirasyon ko siya sa pag-aaral kahit madalas bokya ako.

Isang araw, habang papalakad ako papuntang Library dahil isasauli ko na ang libro na hiniram ko, nahagip ng mga mata ko ang nangyayari sa loob ng Science Laboratory.

Sumilip ako sa bintana, sa pwesto na hindi nila mapapansin.

Maraming estudyante sa loob.

Nasa harapan si Matalino. Lahat ay nakikinig sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang BATTERY ng buhay koTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon