"Hahahahahaha!! Haha.." Hindi ko magawang tumigil sa pagtawa pag naaalala ko ang mga pinaggagawa ko kanina. Alam niyo kung ano yun? Heto at ikukwento ko..
**Flashback**
Papunta ako sa cafeteria para bumili ng snacks ko at ng boyfriend kong si Jake. I wanna surprise him dahil trip ko lang :) 9 months na kami and going strong. *sigh* Di ko akalaing magkakagusto siya sakin. Long-time crush ko yun eh pero heto kami, in a relationship na. Maganda naman ako kahit simple lang at syempre gwapo si bf. Perfect Combi ika nga.Hihihi.
Bubuksan ko na sana ang pinto nang may marining akong...ano yun? Ungol? O_O..Umagang-umaga may gumagawa nang milagro?Tsktsk. Mga kabataan nga naman ngayon. Di makapagpigil. Buti pa si Papa Jake di ganun. Nirerespeto ako nun.Sobra. Kaya nga mahal na mahal ko yun eh. Mapuntahan nga tong gumagawa ng milagro at mapagsabihan..
Hinanap ko ang pinanggagalingan ng mga ungol.. Ewww. Tumataas balahibo ko sa mga naririnig ko habang lumalakas ang mga....sounds. Kadiri kasi pag ginamit mo yung word na ungol.haha. Malapit na ako. Dahan-dahan ako sa paglakad. Palapit nang palapit...
"Uggh.. yess yeah. oooh" Yuck. Napopollute utak ko. Kadiri talaga like Eeewww...
Sa wakas at nahanap ko din. Nakatalikod yung lalaki habang yung babae naman nakapikit. Kilala ko siya at di na ako nagtaka pa. Siya lang naman ang university slut. Lahat ata ng lalaki natikman na siya at parang tuwang-tuwa pa siya na pinagpapasapasahan siya. At yung lalaki, kilalang-kilala ko din. Sobrang kilala. Mas kilala ko pa kaysa sa sarili ko. Siya ang taong pinagkatiwalaan ko higit pa sa pamilya ko na kahit nakatalikod siya, di ako pwedeng magkamali. Siya nga to.
Si Jake.
Si Jake na boyfriend ko.
Si Jake na mahal na mahal ko.
Si Jake na ngayon ay nakapulupot ang katawan sa babaeng di ko akalaing papatulan niya. Na parang di alam kung san hahawakan yung babae habang parang mga hayop kung magkainan ng mukha.
Di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Nakakamatay pala to. Tumigil sa pagtibok ang puso ko. Pano niya nagawa sakin to? Di naman ako nagkulang sakanya sa kanya ah. Inaalagaan at pinapakita ko naman kung gano ko siya kamahal. Masyado ba akong nagtiwala at nagpakatanga? Ayaw kong paniwalaan ang nakikita ko pero alam kong totoo to. Totoong-totoo. Na sa sobrang totoo ang sakit na.
But instead of breaking down and cry and nursing the pain, mas nangibabaw ang galit at pagkamuhi. Mga emosyon na di ko akalaing mararamdaman ko. Umalis ako sa kinatatayuan ko at dumiretso sa cafeteria.
"Lintik lang ang walang ganti. Walang hiyang lalaki ka. T*ngna ka. Ako pa talagang niloko mo. And that b*tch.Di talaga makapagpigil."
Dire-diresto ako sa kusina ng cafeteria nang walang lingon-lingon. Walang pakialam sa mga taong nababangga ko.
"Manang, penge po ng balde." agad kong sabi kay manang na nagtatrabaho sa cafeteria namin. Oo. Amin tong cafeteria.
Nagtataka niyang inabot sakin ang balde. Agad ko naman itong pinunuan ng nagyeyelong tubig.
"Para san yan, Ineng?" tanong niya sakin nang palabas na ako.
"May nag-overheat po kasi dun. Papalamigin ko lang. Akin na lang tong harina manang ah. Bye, manang!"
Lahat ng tao sa cafeteria nakatingin sakin dahil sa baldeng hawak ko pero wala akong pakialam. Nang marating ko ulit ang pwesto ng mga taksil at manloloko. Napangisi ako sabay tapon ng lahat ng laman ng balde sa dalawang taong di na matigil sa pagkain ng mukha ng isa't isa. Kadiri talaga.
"What the hell!! / Fuck" sabay nilang sabi at naghiwalay sa pagkakapulupot sa isa't isa.
Tumingin silang dalawa sa taong naging dahilan ng pagkaputol ng kanilang mainit na eksena. Nagulat silang pareho pero mas nagulat ang boyfriend ko. Mali. Ex-boyfriend pala.
"Hahaha. Wh-what a face, Jake! hahaha. Ang.. ang papangit niyo. Mukha kayong mga basang sisiw. Haha!" Di ko magawang tumigil sa pagtawa.
"Sandra" namutla si Jake. Di ko alam kung dahil ba sa sobrang lamig na tubig o sa pagkakahuli ko sakanya.
"What? Ang init niyo kasi masyado eh kaya pinalamig ko muna" sabay buhos naman ng harina sa kanilang dalawa. "Thank you gift yan sainyo. Nga pala bitch, may STD yang boyfriend este ex ko kaya nga di ko mapagbigyan sa kama.haha. Extra gift na yan.Bye!" dugtong ko sabay takbo habang tumatawa nang malakas.
**End of flashback**
Di na ako pumasok sa klase ko. Nandun kasi yung pesteng ex ko. Gustuhin ko mang makita yung mukha niya pinigilan ko na ang sarili ko. Baka kung ano na namang magawa ko.
Mali-maling ako sayo Jake. Hayop ka. Ako pa talagang niloko mo.
Anong akala niya? Iiyakan ko siya? Lelang niya. He's not worth my precious tears. Wag na wag siyang magkakamaling lapitan ako.Sh*t siya.
Di ako katulad ng ibang babae na iiyak na lang sa isang tabi tapos pag nag-sorry yung lalaki papatawarin agad nila. Di ako papayag na di makaganti. Di lang yun ang kaya kong gawin kaya don't you ever mess with me. Ever. Pero..
pero sa kabila ng lahat..Katulad pa din ako ng ibang babae.
Nasasaktan din.
END
BINABASA MO ANG
Lintik Lang Ang Walang Ganti (One Shot)
Short StoryAno'ng feeling makaganti sa mga taong nanakit at nanloko sa'yo? Masaya ba dahil nakaganti ka o masakit dahil sa kabila ng lahat naiwan kang mag-isa?