Buong klase kami, nasa labas ng gate ng campus. Isa isang nagpapaalam sa isa naming kaklase na lilipat na ng school. Si Alven, yung pangalawa sa pinaka matalino sa room.
Natanggap kasi sya sa in-apply-an nyang scholarship sa ibang bansa. Kung kaya, kahit hindi pa tapos ang school year dito sa Pilipinas, eh kailangan na nyang lumipat doon.
Nasa harap ko na sya ngayon. Halatang nahihiya sya sa 'kin. Ganun din naman ako sa kanya, pano kasi, hindi talaga kami close ni Alven. Sya kasi yung pinaka matindi kong kakumpitensya. Academically. Sya yung laging salungat sa mga opinyon ko. Dahil din sa kanya kaya lagi kong pinag-iigihan mag aral.
"Bye, Lauren."
Sabi nya, tapos tinaas nya yung kamay nya awkwardly para makipag appear sa akin.
"Bye, Alven."
Ganun din naman yung ginawa ko, at nag appear kami. Tapos nginitian nya ako awkwardly ulit.
Agad syang tumalikod, tapos humarap ulit na parang may gusto syang sabihin sa 'kin. Pero tumalikod sya ulit, tsaka nag paalam ulit sa iba pa naming classmate.
Matapos nyang makapag paalam sa 'ming lahat, sumakay na sya sa kotse nila at lahat kami, pinanuod lang yung pag andar nun hanggang tuluyan nang mawala yun sa aming mga paningin.
Agad din namang tumunog yung bell, hudyat na kailangan na naming pumasok sa klase.
"Lauren,"
Napalingon ako ng marinig kong tawagin yung pangalan. Paglingon ko si Jaze, yung boyfriend ko, humahabol sa paglalakad ko. Huminto muna ako para maabutan nya ako.
"Hi, Jaze!"
Masigla kong bati sa kanya.
"Hello, by the way, hindi kita masasabayan mamayang lunch."
Diretso nyang sabi.
"Huh?! Bakit?"
"Nagkayayaan kasi kami ng mga kaklase ko nag mag basketball sa subdivision nila Marco eh. Mamayang lunch, since wala naman na kaming klase nun. "
Sabi nya,
"Ok lang diba?"
Napasimangot nalang ako sa kanya. Ngumiti naman sya at nagpa-cute.
"Bawi ako next time."
Matapos nya sabihin yun, tumakbo na sya palayo.
Lagi nalang ganun, pag nagkayayaan sila ng barkada nya,
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papunta sa locker ko, para kunin ung libro ko para sa first subject namin.
Nagulat ako nung binuksan ko yung locker ko, may biglang lumaglag na isang sobre. Pinulot ko yun tapos tinignan ko. Simpleng puting sobre lang naman sya.
Lumingon-lingon ako, pero wala akong ni-isang tao na nakita.
Binuksan ko yung sulat at binasa yung laman nito.
" Hi, Lauren.."
Yan yung unang nakasulat. Kanino kaya 'to galing? Tanong ko sa isip ko.
".. Hindi ko alam kung paano ako mag uumpisa, since in-invade ko yung privacy mo sa pag iwan ko nitong sulat na 'to sa locker mo ng hindi mo alam.
BINABASA MO ANG
Last Letter
Short Story"Ilang pagkakataon ba ang dapat mong sayangin para masabi mo lahat ng gusto mong sabihin?" "Bakit kung kailan huli na ang lahat tsaka ka nagkaroon ng lakas ng loob?" Yan ang mga tanong na pumapasok sa isip ko, matapos kong ilagay ang maikling sulat...