Nakatulala ako sa mga picture na kasama ang mama ko...
Di ko parin mapigilang umiyak parang di ko pa sya kayang mawala sa buhay ko...
Bakit pa kase sya nawala eh..
Pero isang buwan na ang nakalilipas nun kaya ayaw ko nang isipan pa yun masasaktan lang ako. Maya maya may kumatok! andyan na si papa pinunasan ko yung mga luhang unti na nasa mata ko...Kinuha ko na yung maleta ko.
"Hope tara na! umalis na tayo! uuwi na tayo!"
Narinig kong sabi ni papa.Uuwi na kami ni papa sa totoong bahay namin dito kase sa Batangas yung bahay ng lola ko binurol si Mama kaso magdadalawang buwan na ata kami andito.
Sobrang namiss ko na yung mga kaibigan ko sa Quezon City.Pati mga klasmeyt ko buti nga pinayagan ako ng teacher ko na di muna ako pumasok kase top student naman ako eh kaya alam nyang makakabawi ako!
Bumaba na kami ni papa kinuha ko sa lamesa yung picture namin nilagay ko yun sa bulsa ko. Kinuha na ni papa yung maleta ko nilagay nya yun sa likod ng taxi.
"Nak! matulog ka muna kase mamaya pa tayo makakauwi! mamayang hapon!" Tumango lang ako.
Pero chinat ko muna yung mga kaibigan ko sa GC namin.. Maya maya nakatulog na nga ko..
"Nak gising na! andito na tayo!"
Tapik sakin ni papa kaya agad akong nakagising. Hapon na pala di ko namalayan lumabas na ko ng taxi.
Nakangisi sakin si papa.Bakit kaya? Nakakapanibago hapon na kase pero hindi pa nakatambay sa labas lahat ng kaibigan ko tuwing hapon kase sabay sabay kaming tumatambay dito sa labas ano bayan nakakalungkot naman..
Miss ko na talaga sila!..Kinuha na ni papa yungmga gamit namin..
pumasok ako sa loob ng bahay namin shet! nakakamiss yung bahay na to!...
teka bat ang dilim !
Binuksan ko yung ilaw!....
Parang lumundag yung puso ko sa gulat...
"WELCOME HOME HOPE WE MISS YOU!!!!!!"
Bigla ko silang nakitang lahat di ko alam pero sobrang saya ko nakita ko yung RNF grupo namin yun dito parang PRAT pero hindi prat basta! sobrang saya nila tapos nagsisisigawan!
Inakbayan ako ni dad
"Hope sana sumaya kahit ngayun lang kase kasama mo na kaibigan mo!"
Tumango lang ako tapos umakyat si dad ssa taas
"Hope miss na kita!" sabi sakin ni jillian at ni jb
Si jillian ang kaibagan kong pandak pero maganda! magaling makipag away yan tapos palabiro.
Tapos si Jb Naman ang kaibigan ko na kahit lalake pinaka kaclose ko ewan ko kung baket pero hayaan mo na pero parang bakla pero ang daming ex.. haha gwapo kase
YOU ARE READING
Paasa is True
Teen FictionSi Jannelle Hope Lapaz ay isang babaeng simple lang di man kagandahan pero may ibubuga isa syang gangaster iibig sya sa lalakeng palaging nagbibigay motibo sa kanya akala nya may gusto na sa kanya ang lalake pero nagkamali pala sya Ginawa nya la...