Chapter 2

56 2 1
                                    

"HINDI MO BA NAPANSING PAPARATING AKO HA MISS?" nakapamaywang na si Jace. alam kong galit na siya.

Kailangan kong makaisip ng alibi.

"I-i was in a hurry. kaya hindi ko napansin sa paparating ka. Nag text kasi sakin ang maid namin nilagnat raw ang alaga kong aso." Nagka buckle-buckle pa ako ng sabihin ko yun.

"This is a road accessible to all kinds of vehicles coming and going out of the village. Dapat ay tinitingnan mo muna ang magkabilang sides ng daan bago ka tumawid." Galit parin si Jace pero hinanaan na niya ang boses niya.

Hindi na bale mapahiya ako. Ang mahalaga ay ang nakaharap ko ng malapitan si Jace.

"Kung okay lang sayo ang madisgrasya, sakin hindi okay iyon. Ang madisgrasya ng dahil sa isang iresponsableng SPOILED BRAT na kagaya mo!. Kung wala kang pakialam sa kaligtasan mo huwag kang mandamay ng tao.!"

Natigilan ako SPOILED BRAT?! Tinawag niya akong SPOILED BRAT?!

Marami nang nakatingin sa amin Napapahiya na talaga ako. Hindi na yata maganda ang nangyayari.

"OKay! Im sorry nagmamadali lang talaga ako. Sino ba ang gustong mabundol?!" Tanong ko sa kanya.

"IKAW!! Dahil kung ayaw mong magpabundol Magiingat ka!"

"Nag sorry na nga ako diba? Ano paba ang gusto mo? Hindi naman nagasgasan ang kotse mo huh?!?

"what's your name?" tanong sakin.

Hindi ko siya sinagot pinasibad ko na ang scooter ko.

Never in my Life had i been humilliated like that way. At si Jace Reyes pa ang may kagagawan.

"HEY!" narinig ko pang tawag sakin  ni Jace. Hindi na ako lumingon. Bahala siya!!

__________________________________________-

"Ano na naman bang kalokohan to Alexis?!" Galit na tanong sakin ni Tita Remi "Muntik ka na raw mabundol sa park?" tanong niya sakin.

"Nag sumbong nanaman ba sa inyo si Jade?" tanong ko.

"Hindi si Jade ang nag balita sakin kundi si Mrs. Aragon. Nakita niya ang nangyari kanina Dahil pinapasyal niya ang mga apo niya. Muntik ka na raw ma bundol at gumawa kapa ng eksina."

"Hindi kong gustong gumawa ng eksina Tita. It wasnt my fault. Ako na nga ang muntik mabundol eh."

" MY GOD ALEXIS! In broad daylight, Huwag mong sabihing hindi mo nakita ang Kotse? Narinig daw ni Mrs. aragon na sinabi mong nilagnat si Buddy kaya ka nagmamadali. Pero hindi naman totoo yun. Ib9ig sabihin Alibi mo lang yun." ang tinutokoy ni Tita na Buddy ang ang alaga kong Dalmatian.

"Hay naku Tita talaga namang Alibi niya lang yan" Sabi ni Jade na bigla na lang sumulpot sa hagdan. "If i know , sinadya niyang magpabundol sa kotse ni Jace Reyes para lang mapansin siya nito."

"Ano?! Is that true Alexis!" Tanong nanaman ni Tita sakin.

"Naniwala naman kayo diyan kay Jade? Im not that stupid para mag pabundol."

"Aminin mo na kasi na Head over heels ka sa Jace nayan. At gagawin mo ang lahat para mapansin ka niya." nakikisabat nanaman siya sa usapan.

"Ano bang pakialam mo sa gusto kong gawin sa buhay ko? Pinakikialaman ba kita kahit alam kong nag cu-cutting  classes ka para lang makipag Date kay Vance?"

Huh? tignan lang natin .. sinu ngayun ang lumaki ang mga mata?..

"Ginawa mo yun Jade?!" tanong ni Tita kay Jade.

"Ofcourse not! Tita. Kilala mo ak Tita compare naman diyan sa Favorite Apo ni Lola mas matino naman ako diyan" At tumalikod na si Jade pagkatapos niyang sabihin iyon.

Mas matino? Bakit ba palaging inilalayo sa pag katao ko ang salitang "Matino" ?

"kapag ganyan ka nang ganyan Alexis mapipilitan akong sabihin sa Kuya mo na Isama ka na lang niya sa maynila" sabi ni tita.

Sa maynila na nakatira ang Kuya ko mula nang naging Fashon model siya. Nag-aaral din siya don. Law ang course na kinuha niya. Hindi lang fashon model ang trabaho ng Kuya ko Member din siya ng isang banda pero hindi pa sikat pero may regular stint sila sa isang malaking Clubhouse sa manila. Gusto ko na nga ring sumama sa kanya pero lahat ng kasama ni Kuya sa apartment niya ay puro lalaki.

"Itigil mo na ang kalokohan mo sa Jace Reyes nayan. Nakakahiya! Mag mature kanaman. Mag E-eighten kana next month" sabi ni Tita.

 hindi na lang ako sumagot kai Tita. Baka ma mis understood niya pa ang sasabihin ko.

"By the way Dinners ready. After that pupunta tayo sa bahay ni Abba para makapili kana ng design ng gown mo. We only have One month to prepare para sa debut mo. baka ma kulang pa tayo sa oras. Ifinalize mo narin ang invitation imbis na ang Jace nayan ang iniintindi mo, ang debut mo muna ang asikasuhin natin" Tumalikod na si Tita pagkatapos niyang sabihin iyon.

malapit na pala ang debut ko. Hindi ako excited. Nagpasabi na kasi si Mommy na hindi siya makakapunta. Ang Kuya ko naman ewan ko na lang kung maaalala pa niya ako sa dami ba naman ng mga ginagawa niya dun sa maynila.

Tumayo ako at binuhat si Buddy na nasa Lap ko.

Mabuti pa si Buddy palaging nasa tabi ko kapag kailangan ko. Hindi niya ako iniiwan at hindi niya nami-misinterpret ang mga ginagawa at kinikilos ko"

Forget Jace. Dahil sa kanya napagalitan ako ni Tita.

Ang Spoiled Brat Ng Buhay Ko!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon