Chapter 3

31 1 0
                                    

Isang napaka sayang araw para sa isang masayahing gaya ko. Mabilis ang takbo ng oras at uwian na rin sa wakas.

Nauna akong umuwi kay Dawn dahil araw nang Miyerkules at may meeting pa siya sa Math Club.

Nilalakad ko lang papuntang sakayan kasi malapit lang naman at para naman makatipid ako kahit konti. Hindi naman kami mayaman at hindi rin mahirap. 'Yong sakto lang. Ganoon lang talaga.

Habang nagmumuni-muni sa daan, nakita ko ang pamilyar na pigura ng isang babae sa di kalayuan. Walang pakundangan kong isinigaw ang pangalan niya pero hindi parin niya ko marinig.

Gaad. Lyza! Why so deaf! Pinagtitinginan na ako oh! Go lang Riley.

Lyza! Uy! Lyza!

Paulit-ulit kong sigaw habang nagtatatakbong mahabol ang best friend ko nung elementary. Halos magkanda dapa pa ako maabutan lang siya.

Bigla kong hinigit yong damit niya nung papalapit na ako sa kanya at nagulat siya nang bahagya at nanlaki ang chinita niyang mga mata nung makita ako.

Riley! Gaaad. I missed you at bigla na lang niya akong niyakap nang mahigpit. Kaya't napayakap na rin ako ng tuluyan.

Magka iba kami nang skul ni Lyza, nag enroll kasi ako sa isang special program sa isang kilalang eskwelahan habang sila nang iba pa naming mga kaklase ay naiwan sa dati naming paaralan.

Niyaya niya muna akong magmerienda dahil maaga pa naman at para daw makapag kwentuhan naman kami.

Mabilis kaming nakahanap ng bakanteng upuan sa 2nd floor ng paborito naming fast food chain na himala dahil wala pang masyadong tao sa mga oras na ito.

Tahimik lang kaming naka upo at ni isa sa amin ay parang walang balak na magsalita man lamang. Parang naging awkward bigla alam ko naman kong bakit.

Rai!
Ly!

Sabay naming sambit sa pangalan nang isa't isa.

Sige na Rai ikaw na.

Ikaw na lang Ly.

Hindi ikaw na, ok lang talaga.

Ikaw na lang Rai sige na makikinig ako.

Hindi Ly ikaw na muna.

Ikaw na, ayoko.

At isang nakakabinging katahimikan na naman ang bumalot sa aming dalawa.

Napatungo ako nang bigla niyang basagin ang pananahimik naming dalawa. Isang salita lang ang lumabas sa bibig niya pero alam na alam ko na ang napakaraming sagot na hinihintay niyang marinig.

BAKIT?

Ha? Anong ibig mong sabihin Ly?

Sige Rai mag maang-maangan ka muna. Diyan ka naman magaling eh.

Bakit Riley? Bakit ka lumipat nang walang pasabi? At bakit hindi ka man lang nagpakita nang dalawang taon?

Bata pa lang tayo Ly alam mo naman na gustong-gusto ko talagang mag-aral doon diba?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When First Love Dies. . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon