(4) Marjo

23 1 0
                                    

Hindi ko lubos maisip kung bakit ako nagkaganito. Matino naman akong tao pero bakit parang napapariwara na ako. Bakit nga ba sila ang napili kong mga kaibigan? Nasa kanilang lahat na ang pwede mong matawag na 'weird'. No offense Steph, mahal kita, alam mo yan. Pero kahit ikaw, hindi ko maiiwasang matawag kang ganun minsan.

Simulan natin kay Stephanie Visco. Maganda naman siya. Matalino. Sexy. Yun nga lang, ermitanyo. Kung hindi ka niya kaclose, kulang na lang lamigin ka sa pekeng ngiting ibibigay niya sa iyo. Hindi ko pa yun nararanasan pero hindi ko na inaasam pang mangyari yun. Hindi ko maintindihan bakit kelangan niyang lumayo sa mga tao. Pero pasalamat na lang din ako na nagging kaibigan niya ako. Sa nakikita ko, bulag silang lahat sa pekeng ngiting inihahandog niya sa mga tao.

Sunod naman ay ang bagok saling-pusa sa barkada, si Kenneth Vera. Gwapo. Maputi. Sporty. Maganda ang pangangatawan. Medyo may katalinuhan sa pinipiling subject. So anong mali sa kanya? Masyado siyang maputi. Dinaig pa ako sa kaputian. Kapag nagsama sila ng labanos, paniguradong iiyak ang labanos kasi natalo siya. Totoo yun. Ako nga, napapaiyak din kasi pati ako, kinawawa niya sa kaputian. Isa pa, nagmahal siya ng isang ermitanyong babae. Hindi naman si sinisiraan ko si Steph pero marami naman diyan na ibang naghahabol sa kanya at halos magmakaawa ng ligawan sila. Pero okay Steph siya nagkagusto. Anong nakita niya sa babaeng yun? Sayang lang effort niya kasi hindi naman masyadong pinapansin ni Steph ang mala-panliligaw niya.

And lastly, si Vince Regalado. Isa sa pinakakinaiiyamutan kong lalaki. Halata sa hitsura niya na mahilig mambabae. The heck, kita sa mga kilos niya. Halos araw araw, may kasamang babae. And that's not yet quarter of my list. Mayabang, self-conceited, overconfident, mayabang, malaki ang ulo, spoiled brat. Nasabi ko na bang mayabang? Pero infairness, may maipagyayabang naman kasi gwap-nevermind. Masarap kasi ang guava di ba? Gusto ko tuloy kumain nun. As I was saying, ayaw ko kay Vince Regalado. And with the looks of it, kapag nalaman niya ang buong pangalan ko, ibubully niya ako! Alam ko yun! Ramdam yun ng instincts ko.

Ang bottomline, sila na ang weirdest people na nakilala ko sa balat ng lupa. Period. Pero worth it naman. Masaya silang kasama.

Kasalukuyang nasa gym kami. May general assembly daw. Mukhang may announcement ang college naming. Medyo naguguluhan nga si Steph kasi may mga speakers naman sa bawat room na nakalaan para sa mga announcements. So bakit nandito kami? Sabi ko na lang sa kanya na huwag niya akong tanungin kasi mas bago ako kesa sa kanya sa University na 'to.

"So anyways, it's a simple and friendly competition among different colleges in this University. So for the selected participants, please do cooperate with us. Their names will be posted in the bulletin so please check it before leaving this afternoon for some of you. That would be all. Have a pleasant afternoon everyone." Hay, natapos din ang pagsasalita ng secretary ng dean namin. Masipag kasi yun. Haha. Akala mo naman nakinig ako. Hindi syempre.

Unti-unti ng nag-alisan ang mga estudyante sa room. As usual, napapalibutan ng mga babae ang dakilang Vince. At mukhang ganun din si Kenneth na pinipilit na mapansin ni Steph na katabi ko na nagsa-soundtrip lang. Galing nga ng babaeng 'to. Full volume lagi kung magpatunog tapos hindi pa rin nabibingi. Punk rock at heavy metal pa minsan pinapakinggan. Weird.

Maya-maya pa, nakawala din si Kenneth sa mga babaeng haliparot sa paligid niya. XD Papunta siya sa amin at nakatingin kay Steph. Ganyan yan eh, minsan lang ako pansinin. More or less, kay Steph lang yan magsasalita at paminsan-minsan ay kay Vince.

Nung makarating siya sa pwesto naming, umupo siya sa tapat ni Steph. Kasunod pa din niya yung mga babae pero tumigil sila 2 meters away from us. Hindi pa namamalayan nung babae kasi nga nakafull volume at nakapikit pa ang lola nyo. Anong kelangang damdamin sa kantang Faint ng Linkin Park eh halos sigawan yun?

Out Of My League [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon