A/N: Dating-dati pa 'to nakatambak sa ideas ko, bago ko pa makilala ang Sebong. But I thank Adele for resurrecting this idea. Inspired by her song 'When We Were Young'.
Kanina pa man din ako nagdadrama sa cover ni Jungkook ng 'Nothing Like Us' but anyways...
I used Yewon's name here, ang pretty eh>< (her and the name)! Also her cover of the song is amazing! Listen to her while you read! :)
//
📷💍✉💍📸
Hindi pa ako nakaramdam ng ganitong klaseng kaba – nung una kong pinasok yung trabaho na 'to, oo – pero sobra yung kabog ng dibdib ko.
Nanginginig ang kamay ko nang mabasa ko ang nakasulat sa dalawang liham na natanggap ko. Napahinga ako ng malalim at tumungo sa dala kong camera.
Ilang beses ko binasa yung pangalan pero hindi pa rin magsink-in sa akin...
Nagkanda halo-halo talaga mga nararamdaman ko sa nabasa ko. Hindi lang basta inbitasyon ang natanggap ko, kundi ako rin pala ang maghahawak ng photoshoot para sa kasal niya.
Para kay Yoon Jeonghan...
Yung taong minsan nang nagbigay sa akin ng kasiyahan. Ang taong nagparamdam sa akin kung gaano kasarap sa piling na kasama ang isang taong handang iparamdam sayo kung hanggang saan ang pagmamahal niya. Taong minsan nang nagpangiti at nagpatawa sa akin. Ang taong naging dahilan ng paggising ko sa umaga at rason kung bakit mahimbing ang tulog ko sa gabi. Ang taong binigyan ko lahat ng effort at oras para iparamdam sa kanya kung gaano ko siya kamahal.
Ang taong mahal ko... minahal.
"Edi iturn down mo na lang," nakasandal pa 'tong kasama ko. Chill na chill pang nilapat sa mesa yung mga liham.
"Hindi ganun kadali, Cheol..." Napabuntong hininga ako at napaupo. I bit my lower lip. "Tutuloy ako."
"Ano? Pupunta ka dun?" Napaayos tuloy siya ng upo. Pinatong niya ang dalawang kamay niya sa mesa. "Diba't ayaw mo masaktan—"
"Alam ko, ilang beses na natin 'tong napagusapan pero... hindi ganun kadaling bitawan ang pinagsamahan namin," halos mag-crack na naman boses ko. Buti talaga nasa loob kami ng office nito ni Seungcheol. Feeling ko naiiyak na naman ako. Shit.
BINABASA MO ANG
In a Flash || y.jh ✓
FanfictionBilang isang photographer, you have to act professional. Kaso kaya ko bang ihandle ang photoshoot para sa kasal ng taong minsan na naging laman ng mga larawang kinuha ko? ➴ { 𝒫𝒫𝒟𝒯 ꜱᴇʀɪᴇꜱ pt.2 } // taglish one-shot + svt ff ♡ | ©lemonhae