Chapter 3

5 0 0
                                    

*Flashback*

Nandito ako ngayon sa library nag hahanap ng mga babasahin wala kasi akong magawa ngayon mahabahaba pa kasi ang vacant time ko ngayon kaya napag pasyahan kong mag basa nalang muna..

"Haha grabe pare nakita mo yung ginawa niya kanina hahaha nakakatawa talaga"

"Oo pare nakakatawa nga haha"

May dalawang lalake dito sa tabi ko na nagtatawanan pero pabulong lang kasi nandito kami sa library pero since malapit ako sa kanila kaya masasabi kong ang ingay nila..at hindi lang talaga yun nag kukurutan pa sila..huh? Ano sabi niyo??..haha

At dito pa talaga sa library nag haharutan sayang ang gwapo pa naman nila makaalis na nga..

aalis na sana ako papunta sa mga lamesa nang may narinig akong sumigaw ng..

"Miss...tabi!!!!!"

Bago pa ako makapag react may bumagsak na sa ulo ko na tatlong malalaking libro..

Ahh..grabe ang sakit naduling yata ako don' nakita ko pa ang title sa libro "Fall for you" grabe talaga..

Lumingon ako sa dalawang lalaki at pagagalitan na sana sila ng biglang dumilim ang paningin ko

"Naku miss!! Dumudugo ang ilong mo!!"

Dinig kong Sambit nang isa bago ako nawalan ng malay..

---------

Pag gising ko nakita kong puti lahat..ahhh alam ko na nandito ako sa clinic..

Tatayo na sana ako para umuwi dahil sigurado akong tapos na ang klase..nang may nagsalita sa gilid ko

"Ahhhmm miss?? Ok ka na ba?? Naku pasensya ka na kanina ha..kung di ko ba naman nasagi ang book shelves hindi mahuhulog yung mga libro sa ulo mo..pasensya ka na talaga??"

Nakita ko sa mata niya na totoo naman ang pag hingi niya ng tawad kaya sinabi ko nalang na ok lang..

Umalis na ko don sa clinic at uuwi mag lalakad nalang muna siguro ako ngayon

Napaisip naman ako bigla hindi ko man lang natanaong ang pangalan ng lalaking yun..hay ok lang yun di naman na siguro kami magkikita non ulit..

'Beep beep'
nakarinig naman ako ng busina sa may likuran ko kaya napalingon ako at nakita ko ang lalaking iniisip ko kanina..kakasabi ko nga lang na hindi na kami magkikita nandito na agad?? Hahaha nakakatawa naman..

"Halika na miss?? Sakay na" Nakangiti niyang sambit sa akin

"Huh?? Ahh wag nalang nakakahiya naman sayo.."

"Naku sige na..pambawi ko nalang sa nagawa ko kanina"
Nakangiti ulit na sambit niya kaya sumakay nalang ako alangan naman mag inarte pa ako..

Habang nasa sasakyan kami tinanong niya ako kung ano ang pangalan ko kaya sinabi ko naman alangan namang maging rude ako at sabihing 'ayoko nga bakit ko sasabihin sayo? ' Haha diba parang nakidnap lang ang peg haha

"Ako si lalaine.."

"Ahh..ako naman si drake pasensya ka na talaga kanina ha.."

"Ahh..ok lang yun hindi naman na masakit eh..hehe"

Pagkatapos nun nagkwentuhan na kami ng kung ano-ano..at ng nakarating na kami nag pasalamat ako sa kanya at kung pano niya nalaman ang bahay ko nasabi ko na kanina habang nagkwentuhan kami..

Pababa na sana ako ng sinabi niyang

"Wait" nagtaka naman ako ng makita kung lumabas siya at binuksan ang pinto sa passenger seat....

Ahhh...pagbubuksan niya pala ako hehe

"Salamat drake.."

"Wala yun..sige una na ko.goodbye"

Nang makapasok na siya sa sasakyan sinabi kong

"Goodbye rin"

At Nang makaalis na siya doon ko pa na realize na sumakay ako sa sasakyan ng isang lalaking hindi lang pogi gentleman pa..

------------*

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Remember Me...pleaseWhere stories live. Discover now