-MISTERYOSA-

61 0 1
                                    


I Comfort Room

“sinundan ko sya…ang bilis nyang maglakad…paglapat ng mga paa ko sa huling baitang ng hagdan tanging malapsaw na anino na lamang nya ang naabutan ng aking mga mata”

Paakyat ako noon sa 3rd floor ng Technology Building upang isauli ang librong hiniram ko sa library, minsan ko lang ginagawa ito, hindi naman kasi talaga ako mahilig magbasa lalo ng libro, nagkataon lang na kailangan ko para sa reporting. Well, hindi ito ang gusto kong pag-usapan.

Tuwing Friday, nababawasan ng halos 90% ang estudyanteng pagala-gala sa school lalo na’t wala ng pagkakaabalahan the next day kasi umuuwi sila sa kani-kanilang mga lugar, in short, wala na talagang katao-tao ng mga oras na iyon, maliban sa guard at sa nakita kong estudyanteng…hayaan nyo akong magpaliwanag kung bakit nakuha nya ang attention ko. Maputi sya…na kahit medyo madilim kitang-kita ang kinis ng kanyang balat, nakalugay ang mahaba at maitim nyang buhok na abot hanggang  balakang, para syang model ng creamsilk at ito pa, maayos ang uniform nya… I mean, bagay sa katawan nya na medyo fit at kitang-kita ang hulma na “36 24 36” , ang sexy nya dude! Ay sorry… mahina lang talaga ako pagdating sa ganitong usapan, pero ang weird nyang maglakad, mabilis na parang may iniiwasan , parang si Sir din…hahaha… biro lang, hindi naman ganun ka kabilis, tama lang sa taong may hinahabol na oras.

Sya nga pala, mag-aalas syete na iyon ng gabi saka ko pa napansin ang katangahan ko, hindi nga pala 24 hours ang library at malamang kanina pa iyon sarado. “Sorry na” bulong ko sa sarili, alam nyu namang di ko talaga gusto ang lugar na ‘yun, kasi maliban sa tahimik, mala-santo pa ang mga estudyanteng  pumapasok doon, pero hindi naman ako kasing ‘evil’ gaya ng iniisip mo.. siguro “konti lang”…saan na nga ba tayo? Ahh..doon sa parteng…

Mabilis syang maglakad, sinundan ko sya kasi baka sa library din ang tungo nya at para narin makita ang mukha nya (curious) … Hindi kasi familiar ang mga kilos nya at syempre sino ba naman ang hindi mako-curios sa kanyang dating? Nilakasan ko pa ang mga yapak ko para mapansin nya pero hindi sya lumingon at mas binilisan pa nya ang paglalakad. Baka natakot sa’kin yun?ayun na…(evil mind) anu kaya kung takutin ko sya?.. habang iniisip ko ito nawala sa isip ko ang pagsunod sa kanya at paglapat ng mga paa ko sa huling baitang ng hagdan tanging malapsaw na anino na lamang nya ang inabutan ng mga mata ko. Pumasok ito sa Female Comfort Room, pero ang ipinagtataka ko lang ay hindi ko narinig na bumukas ng pintuan syempre hindi ko rin narinig na nagsara. (baka silent mode)

Malamig ang hangin na dumampi sa balat ko at biglang bumigat ang aking katawan. Parang may nakasabit na mabibigat na bagay sa aking mga tainga. Naluko na! naunahan ako ng takot gawa ng iba’t-ibang  imahe na nagflash back sa utak ko. Lahat ng mga pangit na multo sa horror movies nakikita ko lalo na ‘yung sa “the Conjuring” na pinanood namin kahapon. Hindi naman talaga ako takot sa mga multo pero nararamdaman ko lang ang feeling ng mga taong natatakot dito, hahaha..ganun din yun, pinahaba ko lang. Tama na nga! Bumaba nalang ako kasi baka totoong multo ‘yung si student at maihilog pa ako sa 3rd floor.

Habang gulong-gulo ang utak ko sa kakaisip kung sino ‘yung misteryosang  estudyante na may special business sa C.R , naisip kong mag-abang nalang sa labas. Iba kasi ‘yung usapang talikuran sa usapang harapan, it means, gusto kong mamukhaan si Miss Teryosa (misteryosa).

Nakaupo ako malapit sa guard house ng kabilang building sa tapat ng gate ng school habang hawak ko ang sira kong cellphone na walang backlight at napag-iwanan na ng panahon, sinisilip ko ang orasan nito. 8:30pm na pala at halos patay na ang ilaw ng rooms sa Academic Building at Technology Building kung saan hindi pa lumalabas si Ms. Teryosa. Naitanong ko lang sa sarili ko kung bakit ko pinag-aaksayahan ng oras ang business ng iba, nga naman… maka-uwi na nga lang at para makatulog na nang isang taon kasi ilang araw ding naabuso ang katawan kasama ang barkada.

Sana nga makatulog ako…Gudnayt!

II Perfume

" Ilang araw ding naging laman ng isip ko ang misteryosang estudyanteng iyon. Ilang araw ko rin syang hinanap hanggang sa nakalimutan ko na at naging isang panaginip na lamang"

1 month after...

Busy ang lahat para sa darating na finals, maliban siguro sa akin at sa grupo. Speaking of grupo, binubuo ito ng pitong pasaway na lalaki ng section namin.(ako 'yung pinakamabait...hahaha...) marami kaming pagkaka-iba, marami ding pagkakatulad... isa na doon ang pagiging tamad. Kami kasi 'yung tipo ng estudyanteng pabaya
(proud pa eh), hindi naman sa ganun, sadyang pinagtagpo lang siguro kami ng kamalasan at biniyayaan ng katamaran.

Habang nasa bench kami at nangungulit ng mga abalang kaklase, hulaan nyu kung sino ang nakita ko....
tik! tak! tik! tak!  sino pa ba? kundi ang  maganda at seksing senior na pinagpapantasyahan ng grupo, whoooaahhh.... iisang direksyon lang ang tingin at laglag ang mga panga.
1...2...3... fast forward na nga lang...

Nagyayaan na ang grupo na mag relax muna sa tambayan, habang naglalakad kami palabas ng school... isang familiar na pabango ang nagpabagal ng ikot ng mundo ko, at parang may sinasariwa akong pangyayari sa buhay ko na matagal ng naging parte ng nakaraan.

Hindi ko maalala, basta parang napakalapit lang nito sa akin at nasa isip ko lang ang taong gumagamit ng ganitong pabango, nanunuot sa ilong ko ang malambing na halimuyak ng mga priskang rosas. Sensitive kasi ako pagdating sa amoy.

Sa pagkakataong iyon, maraming estudyante ang paikot-ikot sa lobby kaya mahirap tukuyin ang may dala ng ganung halimuyak (alangan naman amoyin ko lahat ng estudyante sa lobby). Ang iniisip ko lang ay kung saan ko huling naamoy ito at kung kanino. Wala talaga akong maalala.

O teka! san na ang mga mukong na 'yon? naiwanan tuloy ako. maka-alis na nga dito.

Kahit palabas na ako ng school sinusundan parin ako ng amoy na 'yon.

Mukhang kailangan  kung magbabad sa makapal na usok para makalimot at magising.


III Friend Request

“Minumulto yata ako! Ang weird kasi ng nararamdaman ko. Parang laging may naka-abang sa sa akin o baka naman ipinakulam na ako…hehehe… teka! Anu nga ba kasalanan ko para may mag-abalang gawin ‘to sakin?”

Sabado na! tapos na ang kalbaryo ng mga tamad na estudyante. Alam nyu ba kung saan sila nagtitipon-tipon tuwing walang pasok?...Discover nyu nalang… hahaha

Ilang araw ding hindi ako nakapag-facebook, Wednesday…Thursday… at Friday. Pagpasok ko palang sa isang internet café malapit sa school, dinig na dinig ko kaagad ang palitan ng trash talks ng mga adik sa dota, syempre nangunguna na doon ang grupo na halos ubos na ang boses sa kasisigaw.

“isang oras nga sa number 24” sigaw ko sa server, pagka-open ko palang ng facebook account ko napansin ko kaagad ang 5 friend request, di ko naman lahat kilala kaya inignore ko nalang. Habang abala ako sa kaka-view ng mga comments sa photos ng barkada na pinagtripan ko, may nag-add ulit sa akin, di ko rin kilala pero natatandaan ko yung profile picture nya at isa sya sa mga friend request na inignore ko kanina.

“Teressa Reyes” at ang profile picture nya ay puting rosas na terno sa cover photo nya. Naalala ko tuloy ang naamoy kung pabango kahapon. Tinignan ko yung profile nya… joined facebook about an hour ago October 12,2013 , born on March 28, 1974. Unang friend nya ako, kaya yun kinonfirm ko na. Ilang minuto pa lang ay may nagchat sa’kin “Hi! I’m Teressa”  natawa ako bigla, alam ko naman na yun pangalan nya eh! Nagreply din ako ng medyo pang-asar “HAHAHA”  nagreply sya “ba’t ka natawa? Anu pangalan mo?” medyo nakakainis na sya pero napilitan akong magreply kasi boring din eh, hindi kasi ako makasingit sa game ng nagdodota, ang daming players! “ayeng” reply ko sa kanya. “ganun ba? Kamusta ang school?” nagulat ako sa tanong nya, pero idinaan ko sa pang-aasar ang reply ko “ okay lang naman ang school, matibay pa naman”, “hahaha.. hindi yun yung ibig kong sabihin, kamusta ang pag-aaral moh?” tanong nya ulit. “okay lang naman” sagot ko! (ang dami nyang tanong, feeling close lang? hahaha masama)

Tapos nun ‘di na sya nagreply, naglog-out na rin ako kasi kanina pa ako atat na atat maglaro. Pagkatapos nito makakatulog na naman ako ng mahimbing sa gabi, nakakatanggal kasi ng stress ang larong ito, dito napapakawalan mo yung galit at sama ng loob, pwede mong isigaw ang hinanakit ko at pwede ka ditong pumatay!... pumatay ng hero. Hahaha

Panu ba yan? Mukhang gagabihin na naman ako dito..next time naman :) see yah!




IV Panyo

“Anung araw na nga ba ngayon? Hang-over na naman. Buti nalang naka-uwi pa ako ng bahay. Pero teka!  Panu nga pala ako naka-uwi?”

Lagot na! Examination week nga pala ngayon! ASAR! Dali-dali akong naligo at nagbihis, wala pang almusal ay sumibat na ako, ‘di ko pinansin ang mga tanong ni mama.. Saan na naman daw ako nagpuyat kagabi? Ba’t di naka-uwi, Sinong kasama ko..at blahh..blahh..blahh..

Ang sakit sa ulo,at ang sarap pang matulog..fastforward na lang yung sa exam wala namang magandang nangyari, as always “LOOK UP” HAHAHA

Sa isang tabi..iniisip ko kung paano ako naka-uwi kagabi, huli ko kasing naalala nasa terminal ako ng bus at nagsusuka sa sobrang kalasingan. Lagi itong nangyayari, pero mas masama yung tama ko kagabi..parang nagka-amnesia ako. (stupid talaga)

Hindi ko muna pinansin ang mga pang-aasar ng grupo kasi parang mayroon talagang nangyari kagabi na makakasagot ng mga weird na nangyayari sakin nitong mga nakaraang araw. Hindi ko masyadong maalala lalo na’t nahahati ang atensyon ko sa mga mukong na nang-aasar habang nagbabasketbol. Nasa Covered Court kami noon ng school nang maisipan kong maglakad-lakad muna.. (kahit saan basta tahimik )

Nasa 3rd floor na pala ako ng Technology Building, blangko talaga ang isip ko ng mga oras na iyon, ni hindi ko man lang namalayang dumaan ako ng lobby. Haist! Medyo masarap nga dito, mahangin at tahimik, yun nga lang nakakapanibago ito sa isang katulad ko na kilala bilang makulit at mahilig mag-ingay. Pero ang sama talaga kasi ng pakiramdam ko, dinadalaw ng antok sa sobrang puyat.

Naabotan ko ang sarili ko na may kinaka-usap, nakatulog pala ako sa silyang inuupuan ko sa labas ng room  malapit sa library, ang ganda ng panaginip ko, kasi may isang binibini daw na nag-abot sakin ng panyo, pamunas ko raw sa laway ko. Hahaha nakakatawa! Medyo matagal din ang pagkakatulog ko kasi madilim na ng ako’y magising.

Noong pababa na ako ng school building, dinukot ko ang bulsa ko para kumuha nga pamasahe, laking gulat ko ng  makapa ko ang isang malambot na bagay mula dito, naisip ko kasi na baka totoo yung inaakala kong panaginip, nakakahiya!  Panyo nga! Hindi pala ako nananaginip kanina at totoo pala na may nag-abot ng panyo sa akin para pamunas ng laway ko. Eeewww ansama nun.

Pero sino kaya yung magandang binibini na yon??? Makapagpasalamat man lang sana ako sa kanya. Napa-smile ako sa sarili ko..awkward!

Pero bigla itong binawi ng kilabot ng maamoy ko ang weird na pabango na lagi kong naaamoy at nagmumula pa mismo ito sa puting panyo na hawak-hawak ko, sa isang side nito ay nakaborda ang pangalang  “TERESSA” masyado namang familiar, ‘yung amoy at ang nakabordang pangalan’… magulo parin ang isip ko at ang hirap ipaliwanag kung anu ang koneksyon nito sa akin.

Maiba na nga yung usapan…
Pero promise! Di ako namamalikmata, ang may-ari ng panyong ito ay HAYOP…. HAYOP SA GANDA DUDE! Paano ko kaya sya makikilala? Hehehe
Maka-uwi na nga lang…

Panu ba ‘yan guys, mukhang may pagkaka-abalahan na naman ako nito! Syempre yun yong hanapin ang may-ari ng panyong ito. Kahit cellphone number nya nalang makuha ko.. HAHAHA ilusyonado!

V The Encounter

“Wew! Sorry kung ilang years din bago nadugtungan ‘tong estorya ko..hehe ay six months lang pala.. San ba naudlot ang kwentohan natin? Ayun! Dun sa panyo ni Miss Beautiful “

After 6 months…

Busy-busihan ako ng mga nakaraang months… masyado kasi akong focus sa LOVELIFE ko… este! Sa pag-aaral pala!

Naaalala nyu pa ba si misteryosa? Napagtanto ko lang kasi.. Nang lumabas ang 2014 issue ng the TORCH, nabasa ko ang mga creepy stories ng PNUans… ang dami palang kababalaghang nangyayari sa school. Naisingit ko si misteryosa kasi parang ang weird nya..panu kung isa pala syang multo? Waahhhh… lagot na brad! (thinking) pero okay lang, magandang multo naman sya siguro. Hehehe

Simula ng mabasa ko ang mga creepy stories sa school, umiiwas na akong pumasok sa banyo… baka kasi matakot sila sa akin. Hahaha

Pero seryoso. . parang nagkaroon na din ako ng mga ganitong moments. Si Misteryosa, yung weird na pabango, at yung magandang binibini na nag-abot sakin ng panyo ay parang may koneksyon….

Habang nasa Canteen ako, may isang estudyanteng lumapit sa akin, may naghahanap daw sa akin sa Reading Center. Di ko na naitanong kung ako sino ang naghahanap at kung ako ba talaga yung tinutukoy nya kasi dali-dali itong umalis.

Kahit nag-aalinlangan ako, napilitan akong pumunta sa naturang lugar, iyon ay para alamin kung sino ‘yung taong naghahanap sa akin, kasi sa totoo lang may isang tao din akong inaasahang kakausap sa akin ng mga panahong iyon. (Wag nyu nang alamin kung sino.. basta importante sya sa’kin)

Isang estudyante lang ang naroon, at sigurado akong hindi ko sya kilala…

Tahimik lang sya, tahimik in the sense na kalmado sya at hindi nagpapakita ng kahit na anong kilos. Nakakapanibago din ang paligid, kalmado ang mga dahon na parang iniwan ng hangin, nakakabingi ang katahimikan, nakakalula ang mga gumagalaw na anino ng mga puno.

Naninigas ang katawan ko at nawawalan ng timbang, parang papel na hinihipan. . hindi ko ramdam ang tinatapakan ko. .parang may hindi tama sa nangyayari. . gusto kong tumalikod at kumaripas ng takbo pero pilitan akong lumalapit sa kanya.

Ang haba ng kanyang buhok, ang hubog ng kanyang katawan at ang halimuyak na pumapasok sa ilong ko, nakakahilo ang bango. Sa dami ng iniisip ko hindi ko kakayaning mas lumapit pa at makita syang humarap. Hindi ko maipaliwanang ang nararamdaman ko. .

Takot…
Ito pala yung tinatawag nilang takot…
Maraming bumubulong sa akin, may humahaplos. .
Unti-unti syang lumingon at mas pinili kong pumikit na lamang…
Ramdam ko ng paglapit nya dahil sa tumatapang na bango…
Lumalamig…
Nakakatunaw ang lamig..
Tumatagos ito sa katawan ko. .
Ibat –ibang imahe ang nakikita ko…

Nahuhulog. . sinusugatan. . natatakot . .

Isang babae na namamatay sa lungkot, naghihintay. .
Mga sulat at larawan. . iginuhit na mukha sa nakaraan.. sumpaan. .
Isang lalaking sugatan. . natatakot!
Kamatayan ang hatol..sa sinisinta’y hindi umabot.

Nanghina ako at nawalan ng malay. .

Madilim….
Madilim na ng magising ako. .

Sa isang table. . may isang panyo at puting rosas. .
Ito yung panyong iniwan ko kung saan ito iniabot sakin ng di ko kilalang babae at ang halimuyak ng rosas na lagi kong naaamoy.

Sa harap ko ay isang vandal…
mukha ng babae na iginuhit sa isang post ng reading center.
Alam kong hindi na ito yung original na drawing kasi halatang may nagka-interes at pinaglaruan ito.

Hindi ko alam kung konektado ito sa mga nangyari sa akin.
Ang vandal na tinutukoy ko ay ang drawing na ginawa ko mismo isang taon na ang nakalipas.

Naguguluhan parin ako. . pero dito ko na tataposin ang kwento.

(Salamat sa pagbasa. Ito po ay maaring bunga ng imahenasyon lamang )

To be continued

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 03, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

MISTERYOSAWhere stories live. Discover now