Part 1

5 0 0
                                    

Winter Aspen's POV

***BREAKING NEWS: HARRISON HENRY AND SOFIA SANDERS CALLED IT QUITS***

Reporter: Harrison Henry and Sofia Sanders are known to be the most famous couple of this generation. The confirmation of the break up came from Sofia Sanders during her movie promotion. The couple made their relationship public announcement five years ago, after they were allegedly caught kissing in a bar. Henry is a business tycoon, while Sanders is an actress. The reason of the split is yet to be announced.

"Yan lang? ibabalita pa nila? buti sana kung yang break up nila eh mapapakain niyan ang sambayanang Pilipino. Ano ba ang relevance niyan sa inang bayan? Mga trayddooor sa Inang bayan, mga makasarili." Hoy huwag kayong mga judgmental, hindi ako yan. Yung kapatid ko yan si Summer Safari, di ko alam sa babaeng yan aktibista raw eh, kaya lahat ng bagay na may kinalaman sa bayan pinaglalaban.

"Eh kung tinutulungan mo na lang ako sa pagligpit ng plato, baka makatulong ka rin sa gawaing bahay? Bahay muna bago Bayan. Langyang to." sagot ko sa kanya. kesa naman sa makikipag away pa siya sa TV eh mas maganda na yung ako yung sumasagot sa kanya, para naman di siya mukhang baliw. Agad naman siyang tumayo at niligpit na namin ang mga plato.

Dalawa lang kami ni Summer dito sa Maynila, pareho kaming nag aaral. Ako sa medisina at siya naman ay sa abogasya. Apat kaming magkakapatid, ako ang panganay sumunod si Summer, tapos ay si Spring Summit at si bunso na kaisa isang lalaki sa amin na si Fall Maple. Sa maniwala kayo at hindi, adik lang ang mga magulang namin sa four seasons kahit wala naman nun dito sa Pinas. Pero maganda na yun kesa naman sa dry or wet season ang pinangalan sa amin.

Pareho kaming skolar ng kapatid ko, habang sila Spring at Fall naman ay nasa high school at kindergarten. May maliit kaming farm sa probinsiya namin kaya di ko naman masasabing talagang naghihirap kami, ayos lang nakakaraos rin para sa mga gastusin.

"Ate, paano kaya kung mag artista na lang ako, tapos gamitin ko yung kasikatan ko sa pag iimpluwensya sa mga tao kung paano mahalin ang Inang Bayan." tanong sa akin ni Summer habang naghuhugas siyang pinggan at ako naman ay nagbabasa na ng libro.( huwag kayong anik, masakit sa ulo mag medisina nakakayurak ng pagkatao.)

Binaba ko naman ang salamin ko at tinitigan siya. "Eh akala ko ba gusto mong maging presidente? Ano yun, idol mo na si Erap? Akala ko si Senadora Santiago ang idol mo?" natatawa kong pahayag.

"Eh ate, kasi naman tignan mo ang social media sa panahon natin, kung sino yung sikat sila yung sinusunod. Sila yung may mas impluwensya sa taong bayan. Parang yang kakabalita lang, pustahan tayo andadami nanamang hugot sa twitter tungkol sa walang kamalay malay na forever." abnoy din talaga tong kapatid ko. Lahat na lang ng issue sa lipunan ay may nasasabi siya.

" Hay nako, hayaan mo sila. buhay nila yan, kaya nga may freedom of speech diba? eh sa yun ang nararamdaman nila, hinahayag lang nila. Kung ikaw malaya mong nasasabi yang kung minsan ay irrelevant mong mga opinion sa bayan, ay hayaan mo rin silang ihayag nila ang mga irrelevant nilang hugot. sige na at matutulog na ako. Huwag kang masyadong nanonood o nagbabasa ng balita, napakabata mo pa para maburo sa problema ng bayan, gamitin mo yang opinyon mo sa tamang lugar hindi yung salita ka ng salita dito eh ako lang naman yung nakikinig sayo."

Haayyy.. Monday nanaman bukas, 2017 na pero yung mga prof ko di pa rin nagbabago, sandamakmak na holiday readings ba naman ang pinabaon sa amin. kaembyerna.

**kinabukasan**

"ATE!!! GISING NA!!!"

"Ano ba yan Summer, chill ka lang. Anong oras na ba?" tanong ko habang nagpupunas ng muta. Feel ko kasi parang may naipon eh.

"7:59 na ate at paalala lang, 8:30 yung unang klase mo." shet nak ng.

"BAKIT NGAYON MO LANG AKO GINISING?" dali dali kong kinuha yung towel ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Rule Number One: Never Fall In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon