1

1 0 0
                                    

Louvelle PoV

"Louvelleeeeee it's time to wake up baka ma-late ka sa school."

Arghh, nakaka inis naman oh. Inaantok pa ko eh. Pero kailangan kong bumangon dahil ito ang unang araw ko para pumasok sa Shinshi Academy. Hay naku inaantok pa talaga ako.

"Okay mommy, maliligo na po ako."

💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙

Pagkatapos ko gawin ang morning ritual ko agad na akong lumabas ng aking kwarto para mag breakfast.

"Good morning mom and dad."

"Good morning too sweetie." Masayang bati sa akin ni daddy habang papunta ako sa dining table.

"Louvelle, kumain ka ng marami baka maging matamlay ka sa first day of school mo."

"Okay po mommy."

"Sweetie naayos mo na ba lahat ng mga gamit mo sa school?" si daddy talaga masyadong bine-baby ako.

"Yes dad."

"Louvelle sana mag ingat ka dun sa bago mong school at sana marami kang maging kaibigan. Kung may mang aaway man sayo dun isumbong mo agad sa amin ng daddy mo ah."

"I will mom. Sige na po aalis na po kami ni daddy, gusto ko pa po kasi malaman yung room ko kaya aalis na po ako ng maaga."

"O sige anak, mag iingat ka ah."

"Bye mom i love you." Paalam ko kay mommy at binigyan ko sya ng kiss sa cheeks nya.

💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙💙

Nang makarating na ako sa bago kong school. Na amaze ako dahil sobrang ganda nya kaysa sa dati kong school. At marami agad na students ang nandito ngayon.

Hinanap ko muna ang first class na papasukan ko. Iyon ay chemistry class sabi dito sa schedule ko 8:30 to 9:30 ang oras nya at nasa room 42 pa daw iyon.

Marami pa naman akong oras eh para maglibot kung saan ang ibang subject class na papasukan ko.

Habang hinahanap ko yung last subject ko, napansin ko na halos lahat pala ng mga students dito ay mayayaman dahil may mga sarili silang kotse. Well mayaman din naman ang pamilya namin. Kuntento na ako sa ano mang meron ako.

Biglang nag ring ang bell nang sobrang lakas. So its already time. Binilisan ko ang paglalakad ko para hindi ako ma late sa chemistry class ko. Pagkabukas ko ng pinto well maraming nang students sa loob. Hmm, mukhang ang ibang babae dito sa room ay maarte at mukhang bully. Meron din namang simple lang. Geez i hope na meron akong makakasundo dito sa Shinshi Academy. Umupo ako sa may pinaka dulong upuan. Ayoko kasi sa malapit dahil nahihiya ako. At sanay na din naman akong mag isa.

Bigla kaming umayos ng upo nang pumasok na ang prof namin. Well mukhang mabait naman sya. I hope so hahahah.

"Good morning class, I'm Mr, Banawa your professor in chemistry class." Masayang bati nya sa aming lahat.

"So? Ano naman kung ikaw si Mr, Banawa? You don't need to introduce yourself to us Mr, Prof. Hindi kami bulag para hindi namin mabasa yung binigay sa amin na schedule last month." Sabi nang isang babae na color pink ang buhok. Aba grabe naman ito. Walang galang sa mga nakakatanda sa kanya. Sabi na nga ba, hindi mabubuti ang ugali nang ibang students dito eh. Uggh.

"Oh im so sorry Ms, Shin." WTH? Si Mr, Banawa pa talaga ang nag apologize? Sabay tawa lahat ng students maliban sa mga nerds and me.

Wala naman kaming masyadong ginawa ngayong araw puro mga rules and regulation lang ang mga itinuro sa amin ni prof. Well wala daw kaming susunod na class after this dahil magtitipon tipon daw ang lahat ng student sa covered court para makilala nang ibang newbie students like me ang mismong may ari ng academy na ito.

Mr, Famous Meets A Girl Like MEWhere stories live. Discover now