Bakit nga ba napakahirap para sa ibang tao ang magpakatotoo lalo na sa kanilang nararamdaman..
Bakit kung kelan TAMA NA ANG LAHAT tsaka naman naduduwag ang ilan..
Kung kelan HANDA NA SIYA tsaka naman pumapalpak sila.
Sadyang mapaglaro nga talaga ang tadhana.. mapagpanggap ika nga..
Kaya matuto kang lumaban kung ayaw mong MAPANG-IWANAN ka ng lahat.
May mga pagkakataon nga sa ating buhay na kahit ano kaya nating ibigay mapatunayan lang kung gaano natin sila kamahal.. pati nga sarili nating kapakanan hindi na natin magawang alagaan ng dahil lamang sa tinatawag na PAGMAMAHAL na yan (bakit nga ba?)
Akala nga natin minsan tama na ang lahat, perpekto na..
yung wala ng bahid ng kapalpakan ngunit mali pala.. Tama nga yung sabi nila, sa buhay ng tao lagi nalamang ganito ang kinalalabasan, kung hindi palpak, laging may kumokontra, parang sa fairytales lang yan .. (bakit nga ba?)
sa fairytales kasi maraming pasikot-sikot maraming napapaikot at maraming nagpapaikot. Pero kahit na ganito sa hulihan nagiging masaya pa rin, dahil ang HAPPY ENDING para sa kanila ay napakasagrado..
hindi katulad sa makabagong mundong ito na panay bigong pag-ibig ang matutunghayan mo.. na puro nalang pagpapanggap ang makikita mo.. Bihira na ang masaya, bihira na ang may masayang katapusan.. parang karamihan na eh.. "Nabubuhay na lamang sa mapanlinlang na kapalaran"
Kung meron lang sana tayong FAIRYGOD MOTHER na handang gawin ang lahat maging maganda lang ang kahihinatnan eh tiyak masayang masaya na tayong nabubuhay sa mundong ibabaw.
Ngunit iba rito eh at iba rin doon..
Ang totoong mundo ay hindi kailanman mapapantayan ang mahiwagang mundo..
Ang realidad ay realidad..
Na kahit anong gawing pag-aayos kung yun talaga ang itinakda wala na tayong magagawa pa. Bakit nga ba? Puro bakit nga ba? Bakit nga ba ganito.. bakit nga ba ganyan. Bakit nga ba mapait ang buhay ng isang tao, kung kelan SAKTO na tsaka naman magkakaron ng problema, kung kelan SAPAT na dun naman nagkukulang.
Nakikipaglaro ka ba talaga sakin ha tadhana o sadyang binibigyan mo lang ako ng karanasan para mas tumatag ng sobra..BAKIT NGA BA?
Ang gulo nanaman. Tama na muna.