Chapter 2

23 4 2
                                    

Pagkalabas ko ng bahay biglang may sumigaw.

"Marshia" pagtingin ko si Kim pala, yung bestfriend ko.

"Grabe makasigaw ha, umagang umaga eh, yang bunganga mo talaga manang mana sa nanay mo hahaha" pabirong sabi ko sa kanya.

"Haha na excite lang ako ng nasilayan ka ng magaganda kong mata" malanding sabi nya.

"Hoy Kimberly Suan tigil tigilan mo ko ha hindi tayo talo" saway ko.

"Hahaha ikaw talaga Marshia binibiro ka lang eh, tara na nga" sabi nya.

"Saan ba kasi tayo pupunta at sino ba yang ipapakilala mo ?" Tanong ko.

"Basta sumama ka na lang, hindi ka magsisisi promise" sabi nya.

"Sus oo na nga tara na, kung di lang talaga kita love di ako sasama sayo" sabi ko.

"Tingnan mo ikaw pala may gusto sakin, ayiiieee" pang aasar nya.

"Hahahahaha yang mukha mong yan kim magugustuhan ko ? Iww tsaka di talaga tayo talo" sabi ko sa kanya.

"Hahaha magkaibigan nga talaga tayo" sabi nya.

Nakarating na kami dito sa isang lugar na ngayon ko lang napuntahan, mga isang oras din kami byumahe. Para syang isang Garden na napakalaki at napakaganda.

"Ano bes maganda ba dito?" Tanong ni kim sakin.

"Oo sobrang ganda, buti na lang pala talaga sumama ko sayo dito" galak kong sabi.

"Sabi na nga ba di ka magsisisi eh" sabi nya sabay ngiti

"Ay nga pala nasan na yung ipinunta natin dito ?" Tanong ko.

"Oo nga pala, teka tawagan ko" sabi nya.

"Take your time bes" sabay ngiti

Habang tinatawagan ni Kim yung pinunta namin dito, naupo ako sa isang bench na malapit lang din sa kinatatayuan ng bestfriend ko.

"Bes, andito na sya" sabi ni kim.

"Hi" sabi nung lalaking kasama nya.

"Oh hi, teka parang pamilyar ka" sabi ko.

"Ah oo talagang pamilyar ako sayo, ako yung lalaki kagabi sa jeep" sabi nung lalaki.

"Sabi na eh ikaw yun, teka anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Hindi ba obvious, papakilala ka daw nitong si Kim sakin eh" sagot nya.

"Ah hehe sabi ko nga" sabi ko.

"Okay Marshia this is Ivan, Ivan this is Marshia" pagpapakilala ni kim saming dalawa.

"Hello Marshia" bati ni Ivan.

"Hi Ivan" sabay abot ng kamay ko sa kanya para makipag shake hands .

"Iwan ko muna kayo guys ha" sabi ni Kim.

"Oy bes dito ka laang" sabi ko.

"Sige na alis ka na kim hahahaha" sabi naman ni Ivan.

"Oo na aalis na nga, sabihin mo na ha" sabi ni Kim.

Sasabihin ? Anong sasabihin daw nitong si Ivan ? O.O







Okay Cut muna hahahaha, wala na kong maisip dagdag pa. Vote po mga bebe :)

LadyMM16 :*

EarphonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon