Simbuyo:
Sana'y ika'y masilayan
at ang kay marikit mong mga mata
sana'y lamang sa aking mga pangarap
ay ika'y matagpuan
Supilin ang damdamin at patitigilin
ang pagsuyo ng tadhana
ngunit ano ba naman ang makapipigil
sa ating mga nadarama
Ang tukso ng damdamin
wag sana patungong hilahil
dahil ika'y nais lamang kilalanin
wala ng iba sapagkat ika'y marahil
ang nais ko'ng mahalin
Dumaluhong ang daloy ng simbuyo
at ang bawa't silakbo ng ating mga puso
sa susunod na araw, ay sana magkatagpo.
YOU ARE READING
Tanggap ko naman
RandomMga hugot ng mga sawi at umaasa. Mga salitang 'di masabi-sabi sakaniya. **Para sa mga natotorpe at di malapitan si crush XD ENJOY!!! <3