EPISODE 01

9 0 0
                                    

"WOOOOOH!!!!" eto nanaman ang malakas na sigawan ng mga tao at tilian ng mga kababaihan dahil pumasok na sa court ang mga basketball boys ng MedTech.

"Friend friend tignan mo tignan mo" bulong sa akin ni Cristine.

"Si Kyle nanaman?" 

"Oo. Ang cute niya kase tignan mo oh" kilig na kilig ang kaibigan ko habang ako ay pilit pa rin hinahanap ang prince charming ko.


Nasaan kaya siya?


"Omg omg!!" rinig kong usapan sa likod ng mga kababaihan.

Di ko magawang hindi mapatingin sakanila. Nakita ko yung babaeng nasa likod ko na may tinuturo sa malayo.

So ako namang si curious eh napatingin na din.


Katingin ko sa malayong yon ay parang nag slow mo. Huminto ang oras at wala akong marinig na kahit ano. Naka tingin lang ako sakanya. Hindi kumukurap. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang isang anghel ang nakikita ko.


"Natasha!" hinampas ako ng malakas ng bestfriend ko dahil mukang kanina pa yata siya nag sasalita at di ko napansin.


"Ha?" maikling sagot ko sakanya.

"Tasha naman eh, kanina pa ko kumakatak dito ni isang salita wala akong narinig sayo. Sino ba tinitignan mo dun?" napatinngin din siya sa malayong tinitignan ko.

"Ha? W-Wala.." iniba ko ang tingin ko saka tinignan nalang ang mga nag w-warm up na basketball player sa gitna.

"Ahh si Gabriel Tristan Edwards?" malakas na sabi ni Cristine. Agad-agad kong tinakpan ang bunganga ng kaibigan kong sobrang daldal.

"Can you please lower your voice?" i whispered.

"Bakit ba? I don't see anything wrong na magustuhan mo sya."

"Marami nag kakagusto sakanya."

"So what?"

"What do you mean so what? Ang daming magagandang nagkakagusto sakanya. Tingin mo ba mapapansin niya ko? Dapat siguro tumigil na ko sa pagkakagusto ko sakanya no?"

"Daig ng malandi ang maganda. Landiin mo na, Tash" Inirapan ko nalang ang kaibigan kong walang kwenta ang suggestion.


Gabriel Edwards, varsity player ng Med Tech. Matangkad, medyo singkit, gwapo at matalino. Nasa kanya na yata lahat ng nanaisin ng isang babae. 4th year student na siya samantalang ako nasa third year palang.


Nakatingin pa rin ako sakanya habang patuloy ang pagpapa-picture ng mga babae sakanya. 


"UY TIGNAN MO SI MICHAELA OH! ANG GANDA NIYA." rinig kong sabi ng mga babaeng nasa gilid ko.


Napatingin ako sa tinitignan nila. At laking gulat ko ng hinalikan ni Gabriel yung babae sa noo. Oo, tama hinalikan niya.


"Bes, sino siya?" malungkot na tanong ko.

"Di ko rin alam eh." bakas sa mukha ni Cristine na nagkulang siya sa 'stalk skills' niya dahil clueless siya kung sino yung babae.


"Siya si Michaela Kate Dizon" napatingin ako sa gilid ko. Siya yung babaeng kaninang nagsabi

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 03, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon