Dexter's
*beep beep*
Tumunog yung cellphone ko kaya tinignan ko kung sino yung nagtext.
From: Hax
Uy pre! Nabalitaan mo na ba yung mga guild na nawawala? At yung kapatid ni Tyler na nawawala?
Received: 6:49 a.m.
Ano ba ibig sabihin nyang nawawalang guild at nawawala si Amber? Tsk.Mamaya na nga lang baka ma-late pa ako.
"Mom! Alis na ako! Sa school nalang po ako kakain!" sigaw ko kay Mommy dahil nasa kitchen siya.
"Okay Love! Ingat ka.I love you!" sagot ni Mommy.
"I love you more mom!" Tapos lumabas na ako ng bahay at sumakay na ng sasakyan.Nagdrive na ko papuntang school.
Habang nagda-drive ako, may napansin akong nakadisplay sa isang Internet Cafe.Parang isang gear.Hmm dadaan na nga lang ako mamaya dito.
After 10 mins...
Nandito na ako sa school.Pinark ko na yung sasakyan ko at nagtungo na sa room.Grade 10 na nga pala ako.Mahilig din akong maglaro ng online games.
Kasalukuyan akong naka-upo ngayon sa upuan ko.Iniisip ko yung tungkol daw dun sa nawawalang mga guild at kapatid ni Tyler.Hindi ko talaga maintindihan.
"Nandyan na pala si Dexter eh" napalingon ako nung narinig ko yung pangalan ko.Nakita ko si Hax, Vince, Bryle, at Hiro.Wala si Tyler, siguro dahil dun sa kapatid nya.Totoo kaya yun?
"Oh bakit?" tanong ko.Lumapit sila sakin at umupo sa kani-kanilang upuan.
"Nabalitaan mo na ba yung tungkol sa mga nawawalang guild at sa kapatid ni Tyler?" tanong ni Bryle
"Tinext kita kanina tungkol dun eh" sabi naman ni Hax
"Oo nga pala.Tungkol dun, ano bang nangyayari?" Naguguluhan kong tanong.
"Balita ko, marami nang nawawalang guild.At hindi lang yun, pati mga myemro ng guild ay nawawala din.Maraming magulang na ang nagreport sa police dahil sa mga anak nilang nawawala." pagbibida naman ni Vince.
Bigla akong na-alarma sa narinig ko.
"May lead na ba ang police kung saan sila napunta?" tanong ko naman.
"Yun na nga ang problema.Dahil walang idea ang mga police kung saan na sila napunta." sagot naman ni Hax.
"I think I know where they are." Bigla kaming napalingon kay Hiro na kanina pa tahimik at may ginagawa sa laptop nya.
Lumapit kaming lahat sakanya at tinignan yung laptop nya.Ba't kaya yung luma nyang laptop gamit nya? 2005 pa kasi nung lumabas yung model na 'to.Nagbabasa siya ng isang article.
Ring~ Ring~ Ring~
Bigla namang tumunog yung bell.
"Tsk.Mamaya nalang." sabi ni Hiro.Kaya tumango nalang kami at bumalik sa upuan namin.
Pumasok na si Mrs. Martinez kaya tumayo kaming lahat at binati siya.
"Good morning Mrs. Martinez" sabay-sabay naming bati sakanya.
"Good morning class.Please take your seat."
"Thank you Mrs. Martinez" sagot namin.
"Okay so, I'll have a quick announcement for you guys.Wala kayong pasok ngayon dahil may emergency meeting kami with the principal of Cortez Academy which is our sister school.So, enjoy the rest of the day.You may now go."