CHAPTER 1
HI! ako si Jennilyn Recado,Hindi mercado ha! Ewan ko ba kung anong nangyari sakin,basta hindi siya sakit! Mannerism daw O sadyang nakasanayan nalang. Basta basahin niyo nalang para malaman niyo! :D Btw, 18 years old nako,1st year college.
Nagsimula yun nung 1st year HS palang ako,2010, friendster palang ang uso,pero may FB narin.
Naalala ko pa nung pagandahan pa ng layout sa frienster,syempre hindi ako nahuhuli nun! Ako pa!.
Medyo kagandahan din ako haha pero totoo yun. Marami ngang nagsasabi sakin na may kamukha daw akong artista.Sumasali rin ako sa mga beauty contest samin,minsan 3rd runnerup,2nd,at syempre grand champion! Kaya yung pera na naiipon ko sa pagsali sa mga beauty contest binibigay ko sa lola ko,kami nalang kasi ang magkasama sa buhay tsaka yung kapatid ko.namatay kasi yung mga magulang namin sa isang aksidente ng bus at truck.kaya hindi mo ako masisisi kung bakit parang hindi ako friendly nung 1st year HS ako.Tinutulungan ko ang lola ko sa pagtitinda ng mga kakanin sa pelengke,meron ding pension yung lola ko kaya nung nauso yung computer nakabili kami.pero dahil minsan nga tinutulungan ko yung lola ko sa pagtitinda,minsan hindi ko nagagawa yung mga assignments ko.isang beses nagpaalam sakin yung lola ko,pupunta daw siya sa calamba laguna para puntahan yung tito ko sa hospital.kaya ako lang ang tao sa bahay namin at yung kapatid ko.mga isang linggo na hindi pa nauwi yung lola ko,kaya natakot ako baka kung ano ng nangyari sakanya.pero kinabukasan bumalik na yung lola ko.
Jenny:lola bakit po angtagal niyong umuwi?
Lola: hindi ko kasi inabutan yung tito mo sa hospital eh gabi na.kaya nakitulog ako sa tabi ng mercury.
Jenny: eh bakit po wala na yung bag niyo?
Lola: ninakaw kasi yung bag ko. Nandun yung isang libong inipon ko,pati yung pustiso ko nanakaw.
Bigla nalang tumulo yung luha sa mata ko nang narinig ko yung nangyari sa lola ko.pinakain ko muna yung lola ko.kaya daw siya nakauwi dahil binigyan daw siya ng pera ng mga pasahero ng jeep na sinakyan niya.inaaliw ko yung lola ko kasi awang awa ako sakanya. Kahit ganun lang yung kinikita ng lola ko nairaos niya kaming mgakapatid,natutustusan niya yung pangaral ko.
2nd year HS nako,2011. Alam niyo naman,mahilig ako sa computer kaso medyo hindi ako updated haha. One time,inupdate ako ng kaklase kong si Bryce.
Bryce: uy jenny!
Jenny: oh bakit?
Bryce: meron kanang FB account?
Jenny: ano yun? Bago yun ah!
Bryce: oo hindi kapa ba updated? Hina mo naman! Hahahhaha laos na kaya ang friendster!
Jenny: weh? Mahal na mahal ko kaya ang friendster! Hindi ko ipagpapalit friendster ko!!
Bryce: bahala ka! Baka kainin mo yang sinabi mo!
Jenny: hindi ako magsisisi no!
Bryce: oh sige tingnan nalang natin!
Habang nagkaklase curious ako kung ano yun! Hindi mawala sa isip ko.kaya paguwi gumawa ako ng account.KINAIN KO NGA YUNG SINABI KO KAY BRYCE.Kinabukasan.
Jenny: claire,Robert,carlo,Daniel,Bryce,anong email add. Niyo? Iaadd ko kayo sa fb ko!
Claire: claire_maganda@yahoo.com
Robert: robertmanansala@ymail.com
Carlo:wala ako nun eh!
Daniel:ako rin eh!
Bryce: oh? Akala ko ba hindi mo ipagpapalit yung friendster mo? Hahaha wala ka pala eh!oh eto yung sakin. BRYCEANDERSON@yahoomail.com
Jenny: okay!
BINABASA MO ANG
SOCIAL LIFE
Teen FictionIto ay isang kwento kung paano nagsimula lahat ng social medias.sa tulong ni jennylyn! Samahan niyo siya sa pag #throwback ng nakaraan.