“Tina, may papel ka ba diyan? Uulitin ko kasi tong assignment ko eh…..”
“Sorry Bes! Wala eh…. Kay Kit ka na lang humingi…”
tinuro niya sakin si Kit na katabi ko sa kanan---- siya kasi yung sa kaliwa ko…
“Nagturo ka pa. Wag na nga lang…” ako
“Jasmine! May papel ka?”
“Wala eh!”
“Kurt may pa…” Tina
“WALA!”
“GAlit lang?Tong bakalng to…” Tina
“Melody, paper?”
“Paper is a thin material produced by pressing together moist fibers, typically cellulose pulp derived from wood, rags or grasses, and drying them into flexible sheets.”
“Haha! Humihingi ako ng papel.. Hindi yung meaning ng papel..”
Halos lahat na yata ng kaklase ko ay tinanong namin ni Tina na…pero ni isa wala…
*Booggshh*
Bigla nalang may lumanding na kamay na may kasamang papel sa lamesa ko…
“Ang ingay nyo! Minsan bili din kayo ng papel para di na kayo nakakaabala sa iba!”
Nagulat ako sa sinabi ni Kit sa akin… Maingay kami? Eh nagtatanong lang naman kami sa ibang kaklase naming kong sino may papel… Etong si Tina ang nakasigaw eh…
“Salamat sayo Kit ha… Pero mas magandang salamat kung yang pagsusungit ay alisin mo…”
Sabi ko sa kanya pero di ko lang alam kong narinig niya ba yun…Dahil nakapatong na ang ulo niya sa lamesa…
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Canteen…
Nakita ko si Kit na nag-iisa sa isang lamesa kumakain…
“Kit, si Tina??”
“Malay ko sayo! Bakit ba ako yung tinatanong mo kung asan siya??”
Nagsusungit na naman…
“Ay…Sorry po! Kayo naman kasing dalawa yung unang lumabas ng klasrum diba??”
Letse kasing Math yun… Wala akong alam dun sa part na yun… NAgbigay ng quiz si Sir… hanggat di ka natatapos sa pagsagot ng quiz eh di makakalabas ng room… Di ko pa naman katabi si Tina nun…
Di ko ba alam sa lalaking to… Palagi nalang masungit pag ako ang kausap.. Pansin ko naman na sa ibang tao o sa ibang babae eh, maayos naman etong kausap…. Porket close kami dati…na mag bestfriend kami dati??Na sira na yung friendship naming dahil nasa 4th year highschool na kami?? Nami-miss ko na talaga siya…
------------------------------------------------------------------------------------------
Another day….morning
“Oh, parang di maganda araw natin ah….” Tina
“tsk!” ako
“Di ka na naman pinansin ni Kit??”
“ano??Hindi ah!”
“Asus. Lokohin mo na yung panot na si sir wag lang ako… Miss mo na siya no?”