[Dylan's POV]
Ang tagal naman ng babaeng yon. Sinabi niya magpapahangin lang daw siya, eh magi-isang oras na siyang wala ah. Wala tuloy akong mapagtripan dito. >__< ang dami pa niyang huhugasan na plato dito. Lalabas na sana ako para tignan siya ng makita ko siyang naglalakad na pabalik dito kaya naman nagmadali akong pumasok at nagkunwaring nanonood ng TV..
"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko
"May nakakwentuhan kasi ako dun sa may park eh" sagot niya
"Sino naman?" tanong ko ulit
"Hindi ko nga natanong yung pangalan eh, nilapitan niya lang ako. Nabigla pa nga ako eh, kasi siya rin pala yung tumulong sakin kanina." paliwanag niya
"Hindi mo naman pala kilala nakikipag-usap ka."
"Mabait naman siya eh. Gentleman pa. ^__^"
"Lalaki pala yan ah, malay mo gusto ka lang niyang maniac-kin. wag ka ngang kung kani-kanino nakikipag-usap diyan. lalo na lalaki pa man din. ang easy mo pa naman utuin."
"Tumigil ka nga diyan. napaka judgemental mo talaga. ang gwapo niya pa naman. mabait pa ^_^".
"Hindi mo pa nga kilala yun eh, malay mo gusto ka lang palang pagsamantalahan nun."
"Bakit ba ha? Akala ko ba walang pakialamanan? Concern ka sakin no?"
"Hindi ah. asa ka naman, yung mga bisita mong maduduming plato kanina pa nag-aantay sayo."
Umakyat na ako sa kwarto ko baka kung saan pa mapunta yung usapan namin. Kilig na kilig pa talaga siya dun sa lalaking yun ah, hamak naman na mas gwapo ako kesa dun. Concern daw ako? Ang kapal talaga ng babaeng to. Nakakainis lang dahil kung kani-kanino nakikipag-usap, eh hindi naman niya kilala. >_< Kailangan ko nga palang sabihin sakanya na ipapakilala ko na siya bukas sa mama at papa ko.
Bumaba ako at tumungo sa kwarto niya.
*tok tok*
*tok tok*
Walng sumasagot.
*tok tok*
*tok tok*
wala pa ring sumasagot, pinihit ko yung door knob. Uy di naka lock, kaya naman pumasok nako.
"Aaaaahh!!!" biglang sigaw niya at humalukipkip siya gamit ang kamay niya. Galing siya sa bathroom, naligo siguro.
"S-sorry, hindi kasi naka-lock eh, kaya naman pumasok na ako."
"Ah ganon ba Dylan? nagulat lang ako, hmm" she bit her lip, napapano tong babaeng to? kanina lang gulat tapos ngayon...
hindi ako kaagad nakasagot, napapalunok nalang ako sa kanya, damn! she's freaking hot.
"Yun lang ba ang pinunta mo dito Dylan?" tanong ulit niya at itinaas niya ang right leg niya sa upuan para lagyan ng lotion, what the?! is she trying to seduce me?
hindi na ako makapagsalita, gustong gusto ko ng lumabas pero parang may pumipigil sa akin, kaya naman tinitigan ko lang siya.. uminit ang pakirandam ko..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA-HAH oh bat ganyan ka makatingin? hahahahahahahaha Ikaw pala yung maniac eh!" sambit niya habang walang tigil ang pagtawa niya.
sinasabi ko na nga ba eh! tsk. humanda ka Felicity. (evil laugh)
"hindi ah.. may sasabihin lang ako" hindi ko inalis ang mga mata ko sakanya, tignan ko lang kung hindi siya mailang sa gagawin ko. gusto niyang makipaglaro ah. tinititigan ko lang siya mula ulo hanggang paa na para bang naaakit ako.. whahha
BINABASA MO ANG
Love upon a contract
Teen FictionThis story is based on my imagination only. First time ko pong magsulat ng story, sana magustuhan niyo at suportahan niyo. Follow niyo din po ako :) Thank you. God bless :)