PROLOGUE

121 2 0
                                    

NAKASIMANGOT habang mabibigat ang hakbang na bumababa ng hagdan si Cailey. Ang aga kasi siyang ginising ng kaniyang ina. May pupuntahan daw at talagang gusto pa siyang isama. Balak pa naman niyang matulog ng matulog ngayong bakasyon.

Dumiretso siya sa dinning area para mag almusal. Siguro ay nasa kitchen pa ang kaniyang Mommy kaya wala pa doon pero may nakahain na fried rice at hotdog wrapped in cheese and bacon. Nandoon na ang kaniyang ama at napansin na nakasimangot siya.

"Cailey Jacynth!" Pagsuway sa kaniya ng kaniyang Daddy na lalo lang nagpasimangot sa kaniya.

"Dad, I already told you not to call me like that. Cailey will do." Wala namang kaso sa kaniya ang pangalan niya. It's just that, siya ang nahihirapan para sa mga ito pag tumatawag ang mga ito ng mahabang pangalan.

"As expected, names will be always a big deal for you my little sis." Naiiling na sabat ng isa sa kambal niyang Kuya, si Railey Luke.

"Good morning." Bati naman ng isa pa sa kambal, si Bailey Lucas.

Dumating ang Mommy nila galing sa kusina. May bitbit itong sunny side up at vegetable salad. Just a typical breakfast.

Habang kumakain, umimik ang kaniyang ina. "Cailey sweetie." Pagtawag nito sa kaniya.

Nag angat siya ng tingin. "Yes mom?"

"Why don't you continue practicing badminton or basketball? Or swimming? Vacation naman. Sayang din. You're starting to gain weight again." Sagot nito.

Pansin din niya ang pagtaas ng timbang niya. Pero wala siyang balak na magpapayat dahil siguradong tataba lang ulit siya sa pasukan. Mabilis siyang tumaba, mabilis din siyang pumayat. Ganoon lang lagi ang cycle.

She just want to enjoy this vacation by sleeping. Buti nga at wala sigurong balak mag out of town ngayon ang pamilya nila.

"Mommy, busy sina Kuya kaya hindi nila ako matututuruan. Isa pa, I want to enjoy this vacation without sports." Napabuntong hininga siya saka pinagpatuloy ang pagkain.




NANG matapos silang kumain, agad siyang bumalik sa taas para maligo dahil nga may pupuntahan "daw" sila.

Nagulat siya ng paglabas niya ng banyo, nandoon nagbabantay ang kaniyang Kuya Bailey.

"What are you doing here?" Mataray na tanong niya dito. Tinaasan pa niya ito ng kilay.

"Woah woah. Easy baby sis! Kelan ka pa naging babae? O baka naman nakuha na ng alien ang kapatid ko?" Tanong nito na parang hindi makapaniwala sa nangyayari.

Well, boyish siya eh. She likes boys' stuffs. Paano ba naman? Dalawa ang kuya nya. Natural na ata na maadopt niya ang gusto ng mga ito.

Look at her room, hindi mo aakaalin na kwarto ito ng babae. Kulay pa lang, kita na. Dark blue, black and white, doon naglalaro ang kulay ng kwarto niya. May mga nakasabit pa na iba't ibang cap doon. May gitara sa isang gilid kasama ang isang keyboard at nakasabit na ukulele sa bandang kaliwa. Meron pang bola ng soccer, basketball at tennis isama na ang ilang raketa niya na nakasabit din.

"Kuya, ano ba talagang kailangan mo?" Naiinis na tanong niya dito.

"Eto daw ang suotin mo sabi ni Mommy. Magdala ka din daw ng tumbler. Of course, lalagyan mo yun ng tubig. And oh! Dalawang towel. And lastly, extra shirt. Tapos bumaba ka na agad after mong maghanda. Mag hihintay kami ni Luke sa starex." Pagkasabi nito noon, agad itong lumabas ng kwarto niya ng walang pasabi.

Even If The World is Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon