"Mitneundamyeon hana dul set. mitneundamyeon hana dul set. mitneundamyeon hana dul set. mitneundamyeon dul set say!" pagsabay ko sa pinakapaborito kong kanta ng wings album
Naisipan ko kasing maglinis ng kwarto at nakita ko ang kahon kung saan ko nilalagay lahat ng kpopmerch ko noong dalaga pa ako. Halos kumpleto ko ata lahat ng album nila---ang BTS.
Sa pagbukas ko ng kahon na iyon ay hindi ko na napigilan ang paguhit ng ngiti sa aking labi. Hindi ko mapigilang maging masaya dahil hanggang ngayon malakas parin ang epekto nila sa akin. Kasabay din ng pagbukas ko ng kahon na iyon ay pagalala ko sa aking nakaraan.
---FLASHBACK---
"Kyaaah!!! Kim Namjoon! Kim Seokjin! Min Yoongi! Jung Hoseok! Park Jimin! Kim Taehyung! Jeon Jungkook! BTS! KYAAAAAAH!!! sabay ko sa fanchant habang nakatutok ako dito sa panonood ng pinakapaborito kong live performance video nila sa MAMA Awards 2016.
Baliw na kung baliw. OA na kung OA. Fan lang din ako, at isa yun sa pinakamasakit na bagay para sa akin. Isa lamang akong di hamak na fangirl na kahit kailan ay hinding hindi mapapansin ni bias hanggang sa mag-disband pa sila. Ang sakit ding isiping malapit na silang mag-disband. Oo tama, malapit na silang mag-disband, hinihintay na lang i-release ang last song nila para saa aming mga A.R.M.Y---ang 'Till the End'
Hindi ko na napigilan ang paguunahan ng mga tubig na kumawala sa aking mga mata nang sumagi sa isipan koa ng ideyang iyon. Paano na lang ako? Hindi ko ata kakayanin. Sila ang nagsilbing inspirasyon ko at mundo ko sa loob ng anim na taon.
Sa loob ng anim na taon na iyon binigyan nila ako ng pag-asa sa buhay, pag-asa na mkakamit ko rin lahat ng mga pangarap ko---at isa na sila dun. Sa mga panahon ding pagod na pagod na ako, manood lang ako ng mga performance o bangtan bomb nila ay okay na ang pakiramdam ko. May mga pagkakataon ding gustong-gusto ko ng sumuko kaso naaalala ko sila, naaalala ko na may mga pangarap pa pala ako na kailangan kong makamit.
Sa loob ng anim na taon na iyon sila at sila lang ang naging buhay at mundo ko kaya hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba kapag pati sila ay mawala na.
Sa loob ng anim na taon na iyon, marami-rami na rin kaming pinagdaanan---masasaya at malulungkot na alaala na hindi ko alam kung kaya kong isuko at kalimutan na lamang.
Napatigil ako sa pag-iisip ng ganung bagay ng may tumunog na notification mula sa vlive app ko galing sa BTS. 'Eto na iyo' sabi ko sa isipan ko nang makita ko ang notification na iyon.
Mabagal kong pinindot ang notification at bumungad sa akin ang video kung saan nakapuwesto na silang pito ng window formation. Nasa gitna ang leader---si Namjoon at inumpisahan na niya ang pagsasalita.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Dul set~BANG!TAN! Annyeonghaseyo Bangtan sonyeondan Imnida" sabay sabay nilang bati
May kung anong koreanong sinabi si Namjoon. Sumunod naman sa kanya ay halos mangiyak-iyak naman na nagsalita ang anim na sina; Yoongi, Jin, Jhope, Jimin, V, at Jungkook. Kahit hindi ko gaanong naiintindihan ang sinasabi nila ay naiiyak na rin ako dahil nakikita ko silang umiiyak.
Patapos na ang video at nagsalit muli si Namjoon ngunit ngayong pagkakataon ay english na ang sinabi niya.
"Thank you A.R.M.Y's for being with us for six years. Thank you for giving us the chance to shine and show the world what we got. Thank you for all the love and support that you give to us. Thank you for not giving up on us. Thank you for not leaving us behind. Thank you for not letting us down. Thank you for protecting us. Sorry if we can't give back all the love we receive from all of you. Sorry if sometimes we can't protect you. Sorry if sometimes we can't give you what you deserve. Sorry if this unwanted day came and we're really sorry if we can't do a thing to stop this day from coming. Again Thank you and sorry for everything. Do not forget that we love you and we will love you 'till the end. Saranghaeyo ami" Mensahe ni Namjoon.
"SARANGHAEYO AMI!!!" sabay-sabay nilang bigkas.
At kasabay ng pagtapos ng video ay parang pagtapos na rin ng pagiging isang A.R.M.Y ko pero napaisip ako. Bakit ko tatapusin ang pagiging fan nila kung pwede ko parin naman silang mahalin at suportahan hindi nga lang bilang isang grupo ngunit bilang indibidwal at normal na tao.
"I'll support and love you till the end of my life" wika ko sa aking sarili.
---END OF FLASHBACK---
"Babe!"
Bumalik ako sa katinuan nang sumigaw ang aking asawa na ngayon ay nagaalalang nakatayo sa pintuan ng silid.
"Hey! Babe what happened? Ba't ka umiiyak?" nagaalala parin niyang tanong sa akin.
"Babe wala lang to. I'm just reminiscing the past. Nalulungkot lang ako but at the same time ay natutuwa kasi kasama na kita ngayon" wika ko ng may nakaguhit na ngiti sa aking mukha.
"Haay. Now I'm really convinced that you're four moths pregnant. ang drama mo na ngayong nakaraang linggo" Sabi niya at bahagyang tumawa.
"Ewan ko sayo. Hindi naman ako madrama e! hmp!" wika ko at lumabi.
"O sya sya. Sige na po Mrs. Min, hindi ka na madrama maganda lang" sabay halik niya sa labi ko " I love you Claire" sinsero niyang bigkas habang nakatingin ng diretso sa aking mga mata.
"I love you too Yoongi" tugon ko sakanya habang nakangiti at nakatingin rin ng diretso sa mga mata niya...
------------------
It's okay come on when I say one two three forget it Erase all sad memories, hold my hand, and laugh
Let's hope that there are better days If you believe in what I say, 1 2 3
If you believe then one two three
(괜찮아 자 하나 둘 셋 하면 잊어
슬픈 기억 모두 지워 서로 손을 잡고 웃어
그래도 좋은 날이 앞으로 많기를 내 말을 믿는다면 하나 둘 셋
믿는다면 하나 둘 셋)
I just believe that one day better days will come...